Thursday, January 12, 2012

Habang Pauwi


8PM

Kalalabas ko lang ng building namin nang bigla kong maalala na kailangan ko palang bumili ng pagkain para kay Misha.

Usually kasi pag pauwi ako, nagtataxi nalang ako kasi gabi na.

Nung araw na yun, kinailangan kong mag-jeep dahil sa isang petshop sa may Tandang Sora ako bumibili ng puppy food.

Sumakay ako ng jeep pa-Tandang Sora.

Nilabas ko ang phone ko kasi may nagtxt.

Huminto ang jeep sa may crossing ng Agham road dahil sa stop light.

Nagulat ako ng biglang may sumigaw sa loob ng jeep, kinabahan ako bigla.

Pagtingin ko, may tatlong lalaki na may hawak na balisong. Dun ko na-realize may holdapan na palang nagaganap sa jeep na sinakyan ko.

Nakaupo ako malapit sa driver. Buti nalang.

Hindi sila umabot sa pwesto namin.

Yung isa tumalon sa may bintana. Yung dalawa, tumakbo palabas ng jeep.

Yung mga nasa dulo, ilan sa kanila ang nakuhanan ng bag at cellphone.

Kaming mga nasa unahan, walang nakuha sa amin.

Kaloka lang.

First time na may ganyang kaganapan na nangyari sa akin.

For the first time in months, nagjeep ako pauwi at ganun pa yung nangyari.

Pagbaba ko ng jeep tinawagan ko yung isang friend ko at si Mama at medyo hysterical ako.

Sino ba naman ang hindi maloloka nun dear readers?!

Haaaay!!! Ka-imbey!

Hindi na ako sasakay ng jeep pauwi. Never again. Never ever ever ever again.

Kesehodang maubos pera ko kakataxi, at least makakauwi ako ng maayos sa bahay ko.

1 comment:

Rence said...

nakakaasar talaga yang mga magnanakaw na yan. sarap itali sa likod ng sasakyan at kaladkarin ng hubot hubad ng nakadapa.

ilang beses na rin na-burglarize ang mga tinitirhan ko. nakaka-trauma.

sarap katayin yang mga yan. mga salot.