Tuesday, January 17, 2012

Baggage


"Nasa office ka pa ba?", tanong ng kaibigan kong si Rich sa Facebook.

"Yes"

"What time out mo?"

"8pm. Why?", tanong ko.

"Gusto ko maglamyerda, wait mo kami ni Maynard hahaha", sagot niya.

"Saan ba kayo?"

"Maliligo lang ako tapos dadaanan ko siya then punta kami diyan sa office niyo sunduin ka namin", sabi niya.

Mga bandang 8:30 na nang dumating sila sa office para sunduin ako.

"Saan tayo?", tanong ko.

"Sa Tides", sagot ni Rich.

Pagdating namin sa Tides, punong puno ang lugar. May pila talaga sa labas. Kaloka lang.

Patuloy na nag-drive si Rich hanggang sa mapadpad kami sa Gerardos.

Ayun sakto. May parking space na, may bakanteng mga upuan pa sa loob.

Wala kami sa mood uminom ni Maynard nun kaya si Rich lang ang uminom. Kami ni Maynard, nag iced tea.

Umorder kami ng food, pulutan/dinner ang drama ng meal.

Nagkwentuhan kami tungkol sa mga buhay buhay namin. Mga bagong kadramahan, etc.

Nabanggit ko sa kanila na nag-apply ako na peer counselor ng Love Yourself Project.

It's a group that helps the LGBT community. Yes dear readers, I'm planning to make a difference, or something to that effect.

Biglang napagkwentuhan namin ang father ni Rich na nasa ibang bansa at ang relationship ni Maynard sa magulang niya.

Apparently, matagal na palang hindi umuuwi ng Pilipinas ang tatay ni Rich at si Maynard naman, hindi pala out sa family niya.

Well, nagparamdam na siya noon pero hindi pa daw niya sinasabi straight out sa magulang niya that he's gay. He said na may idea na daw sila.

Kwinento ko sa kanila ang coming out story ko. Natuwa sila kung gaano ka-supportive si mudra.

In fairness naman sa nanay ni Maynard, tanggap na niya na ganun si Maynard. It's his father that's having a hard time coping with it.

Si Rich naman, kahit papaano, may sama ng loob din sa tatay niya.

As some of my loyal readers would know, I've also had issues with my father in the past.

Kaming tatlo, mas malapit kami sa mga nanay namin.

Nakakatuwa nung gabing yun, tatlo kaming magkakasama. Tatlo kaming malalakas ang mga personalidad. Tatlo kaming masayahin.

Pero pareho din kaming tatlo, may kanya kanyang dinadamdam. May kanya kanyang mga bagay na pinapasan.

I think that's the reason why we find comfort and solace in each other.

We don't like boring people. Gusto namin masaya lagi para kahit sa sandaling panahon, makalimutan namin ang mga bagay na bumabagabag sa amin.

We don't need more drama. Our lives are already overly-dramatic as it is.

I guess it is true what they say.

Kung sino yung mga masasaya, yun ang ginagamit nilang defense mechanism. They put on this brave façade because they're the one's with excess baggage.

Most of my friends are like that. Mas nakakasundo ko ang mga taong ganun.

Kasi we can all understand, in a way, what the other person is going through.

2 comments:

kysthine said...

sayang hindi ako kasama =(

Pinoy Tambayan said...

Pwede po ba tayo exchange link? Na add na po kita, you can check po dito PD link

Sana po approve nyo reqest ko. Salamat po!

Dota Blog
Tech n Suffs