Monday, January 9, 2012

Conversations With Mariah


Sa smoking area.

Mariah: Alam mo may nagttxt sa akin.
Alvin: O ano ngayon?! May nagttxt din sa akin.
Me: Oo nga. Pati sa akin mag nagttxt din naman.
Mariah: Eh eto kasi hapon siya lagi nagttxt.
Me: May nagttxt din naman sa akin pag hapon ah.
Mariah: Leche kayo. Eto nga, inaaway ako lagi. Araw araw halos 100 na txt pinapadala niya.
Alvin: Binibilang mo teh?
Mariah: Eh nakikita ko sa phone eh. Sinasabi niya mafeeling daw ako. Mas maganda na daw siya sa akin ngayon. Mga ganun.
Alvin: Eh di sana sinabi mo "Eh ano naman ngayon kung maganda ka. Ako hindi pa!"
Me: Hahaha. Hindi ba siya natatakot sayo? Eh daganan mo lang yun, patay na siya.
Mariah: Leche kayong mga bakla kayo. Ihulog ko kaya kayo dyan?!
Alvin and Me: Hahaha

*******************

Mariah: Ano ba yan. Wala parin akong boyfriend.
Me: Eh pano naman kasi nung pinagdasal mo na palibutan ka ng lalaki, hindi ka naging specific.
Mariah: Oo nga no. Wala akong kaibigan na straight. Puro bading.

*******************

Mariah: Tara mag-gay bar tayo!
Me: Bakit?
Mariah: Wala lang. Rerespetuhin ako dun eh.
Me: Oo nga naman. Kahit maghubad ka dun wala silang pakialam.
Mariah: Oo nga. Tara na.

*******************

Mariah: Kelan kaya ako magkaka boyfriend?
Alvin: Ako nalang kasi.
Mariah: Alvin, gusto ko magka boyfriend pero hindi ako desperada.
Me: Oo nga. Saka, ano yan? girl to girl? Hahaha
Mariah: Oo nga.
Me: Alam mo Mariah, relax ka lang. Sigurado ako pag nagkajowa ka, siya ang magiging pinakaswerte sa buong mundo.
Mariah: Talaga?! Bakit naman?!
Me: Syempre, hindi siya magugutom. Tignan mo naman, kaliwang bilbil pwedeng sinigang, yung kanan adobo, yung batok mo liempo, yung tenga mo sisig. Madami pang matitira.
Mariah: Leche ka.
Alvin: Oo nga, mansanas nalang pwede ka nang pang noche buena.
Mariah: Mga walanghiya talaga kayo.

********************

Mariah: Parang napapansin ko close kayo lately.
Me: Syempre. Friends nga eh.
Mariah: Friends ba talaga?
Me: Oo nga, friends lang kami.
Mariah: Sosyal, artista lang.
Me: Eh ganun talaga yun. Bakit ba affected ka?
Mariah: Eh alam mong type ko yun. Mangaagaw.
Me: Hoy hindi ko siya inagaw. Kahit kelan hindi ko siya inagaw dahil kahit kelan hindi siya naging iyo.
Mariah: Hahaha.
Me: At saka, friends nga lang kami.
Mariah: Ok fine. Nag lunch ka na?
Me: Hindi pa.
Mariah: Tara lunch na tayo.
Me: Sige lang. Hinihintay ko siya. Sabay kaming maglulunch.
Mariah: Friends lang pala ah.
Me: Oo nga. Malosyosa!
Mariah: Bading.
Me: Bading ka din. Kulang ka lang sa parts.
Mariah: Aray hahaha.

*********************

Me: Mariah, mukha kang doll ngayon.
Alvin: Oo nga no?
Mariah: Talaga?
Me: Oo nga. Ikaw yung Philippine version ni Barbie. Ikaw si Barbell.
Alvin: Hahaha
Me: Oh diba? Pwede ka nang laruan, pwede ka pang free weights
Alvin: Oo tapos pwede kang pangdisplay sa halloween tapos pwede ka ring tusuk-tusukin ng pin.
Mariah: Walanghiya talaga kayong mga bakla kayo ako nanaman nakita ninyo.

2 comments:

kysthine said...

walangya ka anton! hahhahahahahah! ang lakas ng tawa ko dito! hahahhahahha!

kysthine said...

LOL!mga loka loka!hayop ka anton! hahahhahahah!love it baks!