Tuesday, November 16, 2010
Walk-A-Thon
Monday morning ang aga kong nagising. Naninibago ako na wala si Parker na tumatawag para gisingin ako.
Ang aga ko ding umalis ng bahay para pumasok sa office. Maayos naman ang jeep na sinakyan ko papuntang highway ng Commonwealth.
Pagdating ko dun, nagulat ako at nagtaka kung bakit ang daming tao na nakatayo sa gilid nang daan. Napansin ko din na walang bus. Walang taxi. Kakaunti ang mga jeep na dumadaan at lahat punong-puno.
"Oh shit. What the hell is happening?!", sabi ko sa sarili ko. Very posy-apocalyptic ang eksena sa Commonwealth Avenue.
Mga 20 minutes na akong nakatayo. Wala talaga akong masakyan.
Ayun sa wakas nakasakay na ako ng jeep. Laking pasalamat ko dahil dito.
Pagdating sa bandang Quezon Memorial Circle, hindi na gumagalaw ang mga sasakyan. As in nakahinto na lahat.
Nababadtrip na ako dahil male-late na ako. Tumingin ako sa phone ko. 6:45 na.
Shit I have 15 minutes to get to work. Huminga ako ng malalim at bumaba ako ng jeep. Inumpisahan kong maglakad.
Mula Quezon Memorial Circle.
Nagmadali ako sa paglalakad hanggang sa dumating ako malapit sa overpass ng MRT station. Tumingin ako ulit sa phone ko, 6:53 na. Shit, I only had 7 minutes to get to work.
Tumakbo na ako papuntang Eton Centris Building.
Umabot din ako sa wakas.
Pagdating ko sa office, tumingin ako ulit sa phone ko, 6:58. I had 2 minutes to log in. Pagdating ko sa PC ko, naka off pala.
"Punyeta, ma stuck sana ng 10 oras sa traffic ang kung sino mang nagpatay ng PC ko", sabi ko sa sarili ko.
To sum it all up, naka log in exactly at 7AM.
Thank you Lord!
Hindi ako late.
Pero nag alay lakad ng ganun kaaga. Is it a sign that I need to start working out again?
I think so.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment