Monday, November 1, 2010
Hello Baguio
Long weekend ako dahil nagsunod-sunod days off ko, naisipan kong lisanin muna ang Maynila.
The day I went to Baguio, pumunta naman ng Boracay si Parker. Dahil petsa de peligro ako, I practically had no money with me. Kwinento ko kay Parker na pinapapunta ako nila Lyve sa Baguio.
"What did you tell her?", tanong ni Parker.
"I told her to give me a thousand and I'll go there immediately", sagot ko sabay tawa.
Biglang nilabas ni Parker wallet niya at binigyan ako ng pera.
"There. So you have no reason not to go. Ayoko na nasa Boracay ako at nageenjoy tapos ikaw nagmumukmok sa bahay mo. So here's the money you need and go to Baguio."
Nagulat ako sa totoo lang. I didnt expect him to give me money considering hindi naman ako humihingi sa kanya at pa-joke yung sinabi ko kay Lyve.
Eh ano pa ba magagawa ko diba?
After Parker left for the airport, I packed my things.
Got whatever extra money I had left.
Cleaned the house.
Fed my fishes.
Hailed a cab.
And took the next bus on the way to Baguio.
Since Parker was with his friends, I wouldnt be able to talk to him that often so it was a good thing narin na umakyat ako ng Baguio dahil baka namatay na ako sa boredom sa bahay.
I arrived in Baguio at around 8PM and Lyve fetched me at the bus terminal.
Haaangggg lameeeeeggggg!!!
"LYVE!!!!! You lost weight but your boobs are still high as an elephants eye!", sigaw ko sabay takbo papunta sa kanya sabay yakap ng mahigpit.
"OA ka ha!Parang ilang taon ka nawala!", sabi niya.
Naglakad kami pababa ng Session Road para bumili ng yosi.
I missed the cold air of Baguio at night. Ang sarap mag-inhale-exhale habang naglalakad. Dedma na kung magtinginan ang mga tao.
Since Lyve had work, I crashed at Darnell's place that night.
Hinatid ko sa sakayan si Lyve at pumara ako ng taxi papunta sa dati naming bahay.
Inenjoy ko ang scenery ng Session Road, Magsaysay Road, at Bokawkan. Ang ganda parin ng Baguio pag gabi.
Pagdating ko sa bahay ni Darnell, nagulat siya, napasigaw, sabay yakap sa akin. And I thought OA na ako. No wonder magkakaibigan kaming lahat.
"Sweet andito sa bahay si Anton", text ni Darnell kay Marj.
Pagkatapos ng ilang segundo, nagring ang phone ni Darnell. Grabe ang lakas ng ringtone niya. Parang bawal nang magkaringtone sa Pilipinas.
"Teh!!! You're here!!!", sigaw ng lukaret na si Marj.
"Yes teh. What time ka uuwi?", tanong ko.
"1AM pa out ko so wag ka munang matulog. Magshot tayo pagdating ko. Nomo! Nomo!"
"Sure"
"Nga pala teh huge favor naman."
"Ano yun?"
"Pwede warlahin mo mga Customer Service reps ng Globe kasi isang linggo nang walang internet sa bahay? Pag ikaw kasi tumatawag sa kanila, inaayos nila agad eh"
"Sure teh tawagan ko sila mamaya"
"Sige I'll see you later. Balik na ako kasi meeting galore kami ngayon"
"Ok ok."
Syempre, walang katapusang kwentuhan lalo na nung dumating si Marj.
Pagdating ng umaga mukha akong Zombie dahil sa pagod, puyat, gutom, etc.
"So saan lakad mo ngayon?", tanong ni Darnell.
(To be continued)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment