Sunday, November 21, 2010

Remedios Royale

Friday night nang magsipunta kami ng aking mga ka-opis sa Remedios Royale which is a resort somewhere in Novaliches. Nakakatuwa kasi from the outside hindi mo iisiping may resort sa loob. In fairness 200 pesos lang ang entrance tapos hanggang umaga na kayo dun eh keri lang.

Nauna ang ilan sa amin. Ako naman kasi walang pasok at medyo depress-depresan ako kaya join ako. Yung iba late na dumating kasi hanggang 10:30 shift nila.

Ayan kami nag iihaw ng Liempo na dala ni Mommy Tess. In fairness ang sarap nung Liempo. Saktong sakto yung timpla niya. Natuwa si Mommy kasi marunong akong mag-ihaw. Nagulat siya kasi iba ang style ko sa pagpapaapoy sa uling.

Ayan nagumpisa na ang kantahan care of Louie na hindi binitiwan ang mic.

Syempre ako naman swimming na agad. Thats Me, Maria, ang mga papaya niya. Si Mariah naman nasa background.

Pose kung pose. Sige lang.



Ang mahiwagang pool na bigla-biglang nag-o-on ang fountain at ilaw na mala rainbow.

Ang pancit na luto ng tatay ni Mariah. Haaang sarap nung pancit. May dala din siyang isang bilao ng puto pero hindi ko na napicturan pano ba naman kasi naubos sa isang kisap mata. Ganun kasarap yung puto.

Ako ang bumili ng cake. The reason pala kung bat kami nag-outing kasi cinelebrate namin birthday ni RJ at Mariah. Nirequest talaga ni Mariah na lagyan ng Happy Birthday yung cake. 10 years old lang?

I assume na nung time na to katxt ko si Parker kasi yun lang naman yung dahilan kung bat ko hinahawakan phone ko nung gabing yun.

Ayan kantahan. Teka nga bat parang walang picture yung napakadaming bote ng Emperador ng dala namin.

Preparing for the party. Kami kami kasi ang nauna dun.

At pwede ba namang mag-party ng hindi ako nagpo-poi? Infairness naaliw naman sila.

Ayan, sa sobrang kaaliwan nila naki join sila. Hindi manlang natatakot ang mga lintek na baka bigla silang mahampas ng mga poi ko. May ilaw yan kaso dahil may flash yung cam eh hindi nakita yung ilaw.

We had so much fun that night. It got my mind off a lot of things. Hanggang umaga na kami dun at buti nalang wala din akong pasok nung day na yun. Guys next time sa Batangas naman tayo para beach party naman.

Oh god I love my team mates. Makes me realize why I enjoy going to work.

2 comments:

Anonymous said...

looked like you all had a great evening! certainly a moment to treasure. thanks for sharing it.

ilovestevenash said...

Inggit much... :(