Monday, August 23, 2010

Dinner daw?

Sa yosi area ng office namin.

Dahil avail time nanaman, nagbreak ako at pumunta sa yosi are para magyosi at tawagan si *ehem*. Pero pagdating ko dun, naabutan ko si Madam at Don na naguusap.

"Hindi nga date yun", pilit na sinasabi ni Don.

Si Madam tumatawa lang.

Mukhang masayang usapan to kaya naki join ako since kilala ko naman kung sino pinaguusapan nila.

"Dinner lang yun hindi date. Pano mo ba nalaman?", tanong ni Don kay Madam.

"Sinabi niya mismo sa akin", ang sagot ni Madam.

"Dinner nga lang yun", pilit ni Don with conviction in his voice.

"Sino nagbayad?", tanong ko.

"Oo nga. Ikaw ba? Sya ba? o KKB?", tanong ni Madam.

"Eh syempre alangan naman yung babae ang magbayad", depensa ni Don.

"Ahhhhh", sabi ko, nakangiti ng nakakaloko.

"Sabi ko sa susunod sya naman magbabayad", dagdag ni Don.

"So may susunod pa talaga?", tanong ko, pilit kong pinipigil ang pagtawa.

Tumawa ng malakas si Madam. Si Don, dumedepensa nanaman pero hindi makasagot dahil tawa kami ng tawa ni Madam.

"Mamaya makita ko to sa blog ah!", parinig ni Don.

"Hindi ah!", sagot ko naman.

Ayun eh, di ko napigilan. Pero hayaan nyo kids, alam naman ni Don na sinulat ko to. Sya pa nga pumili ng title eh. Hahaha.