Tuesday, August 31, 2010

A Change In Me.

For the past few years, my clothes were all the same shade. Black. Nag-umpisa yun nung 2nd year college ako, for some reason natuwa akong magsuot ng black shirts. Si Mama laging naiinis pag bumibili ako ng damit kasi laging itim. 

"Why do you keep on wearing black shirts?! Buti naman sana kung maputi ka."

or

"Change your shirt or you're not coming with us."

Yan ang madalas na linya sa akin ni Mama. Tapos dumating yung depression/emo phase ng buhay ko, dumami tuloy mga black shirts ko. One day, nagayos ako ng mga damit, nakita na as in SOBRANG dami ng black shirts ko. Pati ako nagulat.

Thats a picture of most of my shirts an it was taken July, 2009. Since nasa Baguio pa ako nun, may mga jacket, trench coat at kung ano ano pang shit pa ako. Syempre ngayon, wala na yang mga yan, di ko na ginagamit. Goodluck sa akin pag nag-trench coat ako dito sa Manila diba? 

Ngayon, eto na ang itsura ng mga damit sa cabinet ko.



So colorful diba?

It started October last year. One day I decided to go shopping and may nakita ako na mga shirts sa Department Store ng SM. Natuwa ako sa designs but they didn't have anything in black so I decided to try on some of the shirts kahit hindi black. Naaliw ako kasi bumagay naman sa akin. Nagkasya pa. Oh diba?!

So I bought a couple of shirts. Ayun, mula nun tuloy tuloy naman na. Si Mama natuwa na sobrang colorful ng mga suot ko ginanahan na i-shopping ako ng mas madaming damit kasi baka daw bumalik ako sa pagsusuot ng black.

Lyve started calling me United Colors of Benetton and it took me a few days to realize what she meant. Kung di pa nya tinuro yung green shirt na suot ko noon, hindi ko pa marerealize kung ano ibig sabihin nun. Ngayon eh I don't buy black shirts anymore, and the thing is I buy a lot of striped shirts for some reason.

Sabi naman ng baby ko I look good daw in red. Buti nalang madami akong red shirts hehehe. And sometimes tinatanog ko siya kung ok suot ko. Syempre gusto ko naman presentable ako.

It's funny how in a span of a few months, I changed the style I've had for almost 4 years. Ayus diba? You all see the pics I upload so you judge if I look better in black or in color. I'm vain that way ^_^.

4 comments:

KUMAGCOW said...

Pwede ka na gumawa ng profile sa lookbook.nu hehehe take shots of your shoes, pants and shirt tapos post =)

gbert said...

hey, just dropping by.. baliktad ako, dati, puro white naman ung suot ko.. lahat ng binibili kong damit, puti kaya ang nanay ko galit na galit at nahihirapan labhan mga damit ko.. haha kasi dati ko pang pakiramdam na kapag sumusuot ako ng puti, puputi din ako.. haha ngaun makulay na din mga damit ko un nga lang i tend to buy ung earth colors.. mas madali labhan, kasi ako na minsan naglalaba ng damit ko.. haha

Adam said...

@Kumagcow Hindi pa ganung level ang narcissism ko. But you gave me a great idea. Hehe

@gbert Yun actually yung reason kung bat hindi ako nagsusuot ng white. Mamumulubi ako sa kakabili ng bleach. Im one of those guys who dont know how to use white shirts. Kahit hindi ako gumalaw madudumihan parin. Hahaha

khyzxhyren27 said...

naku..hindi ka nga nag black eh..puro stripes naman..hehehe