Monday, August 2, 2010

Ex ba kamo?


I just got off the phone. I was talking to my friend, lets call her Kay. Di ko kasi alam kung gusto nyang pangalanan ko sya dito eh regarding this topic. Heart-problem eh. Well hindi naman talaga heart problem, it's more on misssing a ex. Missing what could have been, what would have been and kung ano ano pang shit.

Ewan ko ba kung bakit halos lahat ng friends ko sa akin lumalapit pag kelangan ng love-advice, eh feeling ko naman puro non-sense mga advice na binibigay ko. I didn't know how to react with what she said pero I did what I could do to comfort her. Sabi naman nya, she felt better with what I said.

Since hindi ko talaga alam kung may sense mga sinabi ko, I'll give Kay another piece of advice but this time I'll be quoting Bookie on what he said to his friend before. Naka-post to sa blog nya kaya copy paste ko nalang ha.


So Kay, in regards to what you told me, here is my response, and I quote:

"Alam mo, nung panahon ko, pag break, break talaga! Walang mga kung anu-anong stupid shit na 'Let's be friends'. Tapos, dapat awkward kayo everytime magkikita kayo. Tapos, dapat isinusumpa mo ang pangalan niya, binubura lahat ng mga text niya, sinusunog ang mga naiwang brief niya sa cabinet mo, ganun dapat!" Tapos, maghahanap ka ng mas guwapo sa ex mo para pag next time magkita kayo, taas-noo mong ilalambitin sa braso mo yung bago mong dyowa! Pero hindi mo alam kung maiiyak ka o matatawa kasi ang bagong dyowa ng ex mo pangit. Tapos tatakbo ka sa ulan, pero pag-dating mo sa bahay, diretso ka sa shower, tapos dahan-dahan kang mag-sa-slide sa tiles habang hinihilod mo ang mga katawan mo, tapos umiiyak ka ng 'Ang dumi-dumi koooh'."

Kaya ayan Kay, hindi ko rin alam kung helpful to sayo pero at least sure na sure ako tumatawa ka ngayon.

Love you friend and I know that you can get over whatever it is you're feeling right now. 

-Adam

1 comment:

Anonymous said...

Thanks for the advice...your words help me a lot...thanks talaga baks...(-_,-)