Monday, August 16, 2010

Ano yun?

Dahil sa sobrang avail time, nakatambay ako sa station ng aking close friend na si Sexyanne. Si Sexyanne ay isa sa mga Senior namin so busi-busihan sya lagi. Ayun, pag nakikita nya akong lumalapit, alam na nya agad na wala nanaman akong ginagawa at makikipagkwentuhan ako. Either that or I just need to go smoke in which I would need her approval.

Kinuha ko yung upuan na nasa tabi ng station nya sabay umupo ako, ang una kong pagbati, "Sexyanne, ano gawa mo?"

"As usual", sagot naman nya.

So ayun, habang nagkwekwentuhan kami tungkol sa mga kalokohan namin sa buhay, ini-isa isa nya e-mails nya, tinitignan kung may kailangan syang gawin or nakalimutan gawin. She was going through them when she opened one that got our attention but before I could read everything, she moved to the next mail by accident.

"Ano yun?!", tanong ni Sexyanne.

"Malay ko. Senior ba ako? Balik mo dun bilis!", sagot ko.

"Eto na. Eto na wait lang".

We both gasped at what we saw. Sabay tawa.

Ano kaya yung nakita namin? Hulaan nyo nga. Hahaha.

1 comment:

Anonymous said...

nakahubad na lalake!!!!