Wednesday, August 25, 2010

Pancake House!

Monday Night.

This was the only day na 9AM-6PM ang shift ko so sabay kami ng out ni Bongga. After ng shift ko, hinintay ko si Bongga ng bonggang bongga dahil syempre, trainer na siya ngayon so may mga meeting meeting shit pa pagkatapos. Kaya ayun, nagyosi muna at nakipagkwentuhan sa phone sa yosi area habang hinihintay ko si Bongga.

Nang maubusan na ako ng yosi, bumaba ako para bumili sa 7/11. Sakto, tumawag si Bongga hinahanap ako. Hinintay ko sya sa baba. Pagdating nya, nagkwentuhan pa kami. Eh since wala pa kami sa mood na umuwi, pumunta kami sa Pancake House na nasa Centris Walk. Dinner!


Ang inorder namin na country breakfast something with orange juice. It looked good dun sa menu, pero nung sinerve yung food, I cringed. 

Bongga and the Sausage and her cute but expensive watch.

Me and my new haircut na sabi ni Bongga maganda daw compared sa last. To be fair, when it comes to pancakes I really like their pancakes here. Yung juice, medyo maasim. Yung sausage, hindi man lang umabot ng lalamunan ko. 

Ang dami naming pinagkwentuhan, pinagusapan, nalaman. At dahil bumuhos ng malakas yung ulan, mga 9:30 or 10 na kami nakaalis ng Pancake House. It's funny how much you could learn in a few hours, how much you could say, how much you could share. 

Bongga I know at one point you'll be reading this because I know you still read my blog but not as often as before. All I can say is, thank you. Alam mo na kung bakit. 

2 comments:

barbra said...

Wooshoo! Wala yun no. :)

khyzxhyren27 said...

ano yah hah?hehehehe..(tsismosa lang)