Friday, August 6, 2010
Award!
May bago nanaman akong award but this time it doesn't involve the words 'verbal', 'written', 'violation', or 'warning'. Totoong award talaga! hahaha. Every month, we have this recognition thing here at the office and since isang buwan na ako sa Poker Department, ako ang 'Rookie of the Month'. Nakaka-flatter naman. Nung una hindi talaga ako naniniwala kasi feeling ko mali mga ginagawa ko. Kinausap ko si Tess kahapon, ang aming minamahal na mommy dito sa team, sabi naman nya nag-meeting daw sila tungkol dito kaya group decision daw ng mga Seniors and Sup ang mga nabigyan ng recognition sa amin. I was overwhelmed yesterday kasi syempre it's my first month here in the department tapos ayun. Nakakatuwa lang.
Eto pala yung reason kung bakit daw ako ang rookie of the month:
"Since joining the department, Anton has been an integral part of the team and has shown his talents for customer service. He’s an expert at any tech issue that arises, often lending his help to other agents who might have a nagging problem they can’t solve. He’s been very quick to learn everything necessary to his new position, and he’s been an energetic presence with the team, keeping things lively even when there are no calls or mails."
WOW. May ganun?! I find it ironic because the reasons here are the same reasons kung bakit ako madalas napagsasabihan. Sorry naman, may ADHD ata ako eh. Makapagreact nga sa mga dahilan na binigay nila. Let me break it down for you guys:
"He’s an expert at any tech issue that arises, often lending his help to other agents who might have a nagging problem they can’t solve." - In short, pakialamero kasi ako. Pag nakikita kong nahihirapan mga kasama ko, tumutulong ako kahit di naman sila humihingi ng tulog. Proactive ba kamo? No no no no. Bored lang.
"He’s been very quick to learn everything necessary to his new position" - humihithit ako ng memo plus gold.
"he’s been an energetic presence with the team, keeping things lively even when there are no calls or mails." - Malikot ako, maingay at hindi mapakali sa pwesto ko kaya kulang nalang tumambling ako sa Ops Floor pag wala akong ginagawa. Misan ginagawa kong carousel upuan ko or bigla bigla nalang akong makikita sa kabilang bay. Gaya nga ng madalas sabihin sa akin ng dati kong housemate na si Darnell, "aligaga ka nanaman". After 3 months ko nalaman meaning nun. Inaassume ko nalang na compliment. Hahaha.
Anyway, yan ang interpretation ko dyan na para sa akin naman eh compliment kasi makulit naman talaga ako. Sorry naman, adik eh. Pero at least, happy ako dito. I said it before na pag hindi ko nagustuhan buhay dito eh babalik ako ng Baguio. So far im having fun, so far I'm starting to have really good friends here. Who knows what tomorrow brings and what else is out there for me but for now, dito muna ako because this Baguio boy is still having the time of his life.
Bow.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
naks..you deserve that baks..you are such an extraordinary..hehehehe...you just love what your doing...that's why you don't feel that your working so hard..congrats baks! mwuah!! more more!
Congrats...madami pa yan... malay mo employee of the year naman ng PS heheh
PS? Hindi ako nagwowork sa PS. Well...not anymore...
Post a Comment