Friday, August 27, 2010

Ano daw?!


Sa 7/11.

Dali-dali akong pumasok ng 7/11 para bumili ng maiinom, makakain, at yosi.

Sobrang nagmamadali ako dahil male-late na ako sa trabaho.

Kinuha ko lahat ng kelangan kong bilhin sabay lagay sa counter para magbayad.

"Kuya isa rin pong pack ng marlboro black", sabi ko.

Nilapag ni kuya ang yosi sa harap ko,

"Ilang taon na po kayo?", ang napaka inosenteng tanong nya.

"Uhhhh 22?!", ang sagot ko.

"May ID po ba kayo?"

"Kuya seryoso ka ba?", sagot ko sabay tingin sa oras dahil 2 minutes nalang late na ako.

"Opo", sagot ni kuya na hindi ko ba alam kung seryoso o pinagtritripan lang ako.

"Kuya, mukha ba akong menor de edad?!", tanong ko may halong inis na sa boses ko.

"Opo. Dyan po kayo sa taas nagtratrabaho?"

"Hindi kuya, sa Trinoma ako nagtratrabaho. Oo naman. Sa 11th floor ako."

Nahalata ata ni kuya na medyo naiinis na ako at inaalala ko ang oras. Tinigilan narin ang paghahanap ng ID sa akin.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto. Either bumabata ako tignan or may sakit na sa mata si kuya.

Pero napasaya ni kuyang cashier ang araw ko. ID daw oh. Adik si kuya. Adik!

5 comments:

Anonymous said...

feel na feel mo nman. hehe :P

Adam said...

anonymous ka pa dyan, kilala kita. Hahaha. Malamang feel na feel ko.

Anonymous said...

pano mo ako nakilala? come on now, u dont know me. if makilala mo ako, u will be rewarded.. hehehe

Anonymous said...

lol. naranasan ko rin yan. bili kami ng gps sa isang convenience store tas sabay tanong nga cashier age ko, sabi ko 20. tas binawi ung bote sabi bawal daw minors. hello? 20 minor?? kainis

AkoSiMiguel said...

it only means na bata kang tignan Adam :)