Eto ang mga Maria ng buhay ko. Dahil sa kanila, nagkakaroon ng sigla at kulay ang aking buhay at blog. They are the friends others would kill to have and I am lucky na parte sila ng buhay ko. Aminado ako that I am not the nicest person in the world, but I am blessed to have known them because no matter how annoying and insane I am, they still put up with my shenanigans.
Jackie.
My bestfriend, my soulmate. I have blogged about her a lot of times. I love her and I am so proud of her. Walang boring moment sa kanya, kahit na sa tawa or dramahan, she's always been there. She's seen me at my best, at my worst, and at my lowest. She's also very supportive of my decisions. Ganito nga nya ako i-motivate eh:
Me: Bes I wanna lose weight.
Jacky: Hay naku bes ganito lang yan. Naalala mo yung t-shirt sa SM na gusto mong bilhin pero hindi kasya sayo? Every time na kakain ka, yun ang isipin mo. Mag-focus ka sa tshirt na yun at alalahanin mo na anytime pwedeng mabili yun or ma-out-of-stock. Bawat subo mo ng pagkain, isipin mo ang t-shirt na yun na naghihintay sayo. Kaya dapat talaga na magpapayat ka.
Me: You're right.
Jacky: Tara kain tayo ice cream libre kita.
Me: Leche!
Lyve.
Probably the most blogged person here. She is my pseudo-wife or whatever the hell that shit means. Ang pinaka-selfless na tao na kilala ko pagdating sa akin and I have never given her enough credit for that. Kahit na minsan ayaw nya, iniintindi nalang nya ako. She hates me and loves and hates that fact. She is one of the few people who I openly admit na mas matalino sa akin and mas magaling. I will never forget nung naaksidente ako at pinabili ko sya ng fried chicken sa Andoks at isang litro ng mountain dew sa 7/11 at dinala nya sa bahay. Sya nurse ko nun eh. We've kissed a dozen times, and para sa amin walang malisya yun. Oh and by the way she's really scared of my mom. Ewan ko ba kung bakit eh magkakilala naman sila.
Anna Mae.
Ang unang ikinasal sa aming lahat. Mae is the person na akala ko hindi ko makakasundo kasi iba circle of friends namin. Isang araw, nag videoke kaming lahat sa quantum kasama si Mae tapos ayun biglang magkakasama na kami lagi. O diba? What an awe-inspiring story of how two people became friends. Aside from Lyve, Mae was one of the those na sumalo sa akin nung tinalikuran ako ng lahat ng mga kaibigan ko dahil mga pakshet sila at alam kong walang pupuntahan mga buhay nila (bitter?). She welcomed me with open arms and made me realize that I deserve better people in my life. I will be forever grateful for that.
Ayan tapos na ang Baguio. Manila naman ngayon.
Bongga.
Ang unang naging ka-close ko sa office. Nasa RCBC pa kami nun. Senior palang sya nun at talagang sa kanya ako tumabi kahit na medyo natatakot ako kasi feeling ko nun pag may tinanong ako sa kanya eh baka bigla akong bigwasan. Bongga is super nice and kasundo ko sa lahat ng bagay. Of all the conversations I've had with Bongga, there is one I will never forget. And it goes something like this:
Me: You were from PeopleSupport diba?
Bongga: Yeah.
Me: Ako din! 2008. Ano account mo?
Bongga: Travel. Ikaw?
Me: Financial. Kilala mo si
Ryan Buquir?
Bongga: Who doesn't know Ryan Buquir?!
And as they say, the rest is history.
Libby.
Si Sigma Liberty. Ang never kong inexpect na magiging ka-close ko. Batch mate ko siya sa training eh sobrang tahimik nya nun. As in hindi nagsasalita. Pag kausap mo tinititigan ka lang. Tapos nung nasa makati office pa kami, tumatabi sya sa akin nung nag-cacalls na kami tapos lagi kong pinagtritripan yung buhok nya kasi mas dry pa sa papel. Tapos nung ma-promote kaming apat sa Poker, aba, unang araw ng training naka-rebond at naka-sleveless ang puta. Parang hindi si Libby ang pumasok nun. Pero natuwa ako sa transformation nya, ibang iba aura ni Libby ngayon, parang araw-araw
nadidiligan inspired. Alam nya mga drama ng buhay ko and I'm happy she's always there to lend a listening ear and a shoulder to cry on.
And last but not the least...*drum roll*...
Mariah.
Ito ang madalas kong banggitin at madalas na nagcocomment sa blog ko na si Mariah at ang kanyang mahihiwagang salbabida. Ang taong walang preno magsalita gaya ko. I still remember the first time we met, nakaupo sya sa lobby ng office kasi first day nya nun. Eh ako naman, kinausap ko sya bigla nakipagkwentuhan ako kasi naman 1 hour pa bago mag-start shift ko. Nagulat sya kasi, ok daw ako, friendly daw. Ako? Friendly? Oh c'mon. Pero ito ang aking bagong singing partner, sabi nya ako lang daw nakakaabot sa taas ng boses nya. Tenkyu naman. Super kulit tong babaeng to gaya ko kaya laging laughtrip. Ito ang isang bagay tungkol kay Mariah, mahal na mahal nya si...*bleep* oops bawal banggitin ang pangalan kasi alam ng taong yun ang blog ko. Pero I have to hand it to Mariah, pagdating sa tawa at luha nandyan sya para sa akin. At nagulat ang mga friends namin kasi kaya kong buhatin si Mariah. Narinig ko narin boses nito sa phone pag may call sya. Pang pinay.com with webcam assist. Tignan nyo naman picture nya diba? Pang front-page ng Bulgar. Hehehe
Sila ang mga nagpapasaya sa akin at nagbibigay kulay sa aking mundo. Oh God I love my friends.