Tuesday, September 28, 2010

Minsan...


Minsan ang hirap maghintay,
Minsan para akong tanga,
nakatingin lang sa phone ko,
at naghihintay ng reply mo,

Mahirap ba na sumagot,
kahit 'ok' lang ang sabihin mo,
mahirap bang makihati 
kahit isang minuto lang o segundo

Sanay na ako sa ganun,
At iniisip lagi kita
Pero minsan nakakainis maghintay 
kung isang dosenang text na ang aking ipinadala.

Alam kong busy ka,
Alam mong busy din ako,
Pero may oras naman akong inilalaan
Para lang sayo.

Mahal mo ako,
Alam ko naman yun,
Pero magparamdam ka sana,
kahit sa Facebook o sa cellphone.

Mahirap ba akong pagbigyan?
Mahirap ba ang hiling ko?
Dahil kahit ilang oras akong maghihintay,
Nakakalimutan ko sa isang text o tawag mo...

1 comment:

Parker said...

busy lang po. eto nman.. tsk tsk.