Monday, September 6, 2010

Ayan kasi...

These days hindi kami masyadong nag-iinteract ni SexyAnne. Hindi po kami nag-away. Banned kami sa isa't-isa.

Ganito kasi ang kwento. Kasi naman, pag-log in palang namin sa office, deretso na ako sa station nya eh malapit lang naman kasi sya sa akin.

Eh ako naman kasi, dakilang makakalimutin, may nakalimutan akong gawin na kelangan pala naming tapusin ASAP. To be fair, natapos ko naman pero late nga lang. Anyway, dahil sa dalas ng pagtambay ko sa pwesto ni SexyAnne medyo nagreact ata ang aming supervisor. Sabi nya dapat daw work-related ang ginagawa ko. In fairness work related naman yun. Work related kasi chismis naman sa office eh hehehe. Ayan, napagsabihan si SexyAnne at sya naman pinagsabihan ako. Pass the message?

Ayun pinaghiwalay muna kami. Restraining order ang dating. Araw-araw ko tinatanong si SexyAnne kung kelan malilift ang ban sa aming dalawa. Di rin daw nya alam.

At dahil dyan, tahimik ang aming production bay dahil wala ang ingay na naggagaling sa aming dalawa.

SexyAnne mis na kita! Magpakabait na tayo para tanggalin na yung ban hehe.

1 comment:

KUMAGCOW said...

Ayan kakasabe ko lang sa chatbox, napagalitan kayo tuloy hehe

=) ingat ingat muna para di pagalitan =)