Wednesday, September 15, 2010

Dinner at Gilligans...

Dumating ng Manila kahapon ang aking bestfriend na si Jackie kasama ang ate nya. Wala syang planong pumunta dito but she applied for a job and she was scheduled yerterday for an interview. Biglaan lang kasi na tinawagan sya nung isang gabi lang so medyo nataranta ang hitad.

Since I had work, I met up with her after my shift. At dahil hindi sya sanay sa Manila, I had to go to Makati to meet up with her.

Syempre gumala kami at nagkwentuhan na parang walang bukas. At natural hindi nawala sa usapan si Parker kasi naiintriga ang bestfriend kong to, although nakapagusap naman na sila noon at pinakita ko pictures ni Parker sa kanya. Tuwang tuwa naman ang gaga.


Ayan ang aming pag-gagala sa Glorietta 4 at SM Makati. After nun since naramdaman namin ang kagutuman, pumunta kami sa Giligans ng Glorietta 5.





Inorder namin yung set number 4 nila na may kasamang crispy pata na so-so lang ang lasa. Yung sinigang ok naman. Nalasahan ko naman ang asim ng tunay na sinigang pero konti lang laman nya, puro sabaw lang. Gusto ko sanang picturan yung food kaso na-lowbat parehong phone ko.

Tinanong ko yung waiter kung pwede ko bang icharge iphone ko since lagi ko dala charger ko.

"20 pesos po", sagot ni kuya.

Ahhh. So may bayad talaga. Ayun, pinacharge ko na phone ko since 20 pesos lang naman pala. Habang hinihintay ang phone ko, phone ni Jackie ginamit namin kaya yung mga pictures andoon. Ayun after dinner at katakot takot na kwentuhan gumala nanaman kami. Naghiwalay kami ng mga bandang 9 kasi gusto na daw nyang bumalik sa hotel para masulit naman daw nya ibinayad nya.

Sabi ni Parker mukha daw akong kawawa sa picture na to. Hahaha. Anyway, namiss ko tong bespren kong to. I rarely get to see her since she works in the province so whenever she comes here, we make it a point to catch up with one another.

No comments: