Wednesday, September 15, 2010

Prize?

 Last Friday, may party dito sa office. As usual wala nanaman ako! Leche bakit ba kapag party dito sa office eh laging off ko. Sinasabutahe na ata ako ah. Pero ang mas nakakainis dun eh double pay kami nung araw na yun. Apparently, holiday daw nun.

Anyway...may raffle something something dito sa office nun and nanalo pala ako. Si Libby pa ang nagkwento sa akin. So ayun dumaan ako ng HR para kunin yung 'prize' ko. Naaliw naman ako at talagang effort ang pagbalot sa prize.



Gusto nyo bang malaman kung ano laman nito?

Talaga?

Hindi nga?

O cge.

Eto na.

Eto na nga.

Wait lang.

Saglit nga lang!

Eto na talaga.

Ang prize ko ay...

Isang napakacute...

At napakalambot...

At napakared...

na...

Stuff toy na Football... hehehe.

Ilan kami na nanalo nito. Si SexyAnne, purple ata yung sa kanya. Yung isang team mate ko, pink. Yung isa naman, blue. Ang ganda nung blue.

Iniiwan ko lang to sa office, di ko maiuwi kasi hindi kasya sa bag ko. Eh alangan naman maglakad lakad ako sa kalsada na may dalang stuff toy na football, eh di pinagtinginan na ako ng madlang people.

Kaya ayun, ginagamit ko nalang dito sa office at pinaglalaruan ko or binabato ko kay Mariah hehehe.

3 comments:

ilovestevenash said...

Pareho tau, red din yung akin. Ang swerte natin no? Apir!

KUMAGCOW said...

peram naman pakihagis dito, la akong unan inaantok nako eh LOL

khyzxhyren27 said...

ayaw mo ba nito..imbes na binabato mo sakin eh ibigay mo na lang..heheheehh!