Dahil nasa Manila nanaman ang bespren kong si Jackie, syempre sa bahay nanaman sya tumutuloy. Sabi ko naman sa kanya, instead gumastos sya para sa hotel, sa bahay nalang sya tapos pakainin nalang nya ako hehe.
Okay lang naman kay Mama na sa bahay nagstastay si Jackie pag pumupunta sya ng Manila. Anyway, kagabi nagkita kami sa Trinoma kasi kadarating lang nya. Nagdinner kami somewhere na sizzling steak something ang food. Basta yun.
Before umuwi, sabi nya dadaan lang daw sya ng Starbucks, so ako pumila para sa taxi dahil sobrang hirap kumuha ng taxi nang ganung oras sa sinumpang lungsod na to. Pagbalik ng lukaluka eh may dalang paper bag. Ayun gift pala nya sa akin.
Alam ko na agad kung ano laman nito. Matagal ko na kasing sinasabi sa kanya na regaluhan ako ng Starbucks tumbler. Sa wakas, after 10 years binilhan narin nya ako nito. At may card pa talaga.
Tuwang tuwa ako kasi the only people na binigyan ni Jackie ng ganito is her bf and me. And she's not the type na mahilig magregalo, sa if she gives you a gift, you mean THAT much to her.
"So talagang asawa mo at ako lang ang niregaluhan mo ah.", sabi ko.
"Legal din naman kitang asawa. Legal ko din sya. Salawahan ako eh", sabi ba naman ng hitad habang nagkwekwentuhan kami sa bahay.
At talagang kumpleto ang pangalan ko sa card ah. Despite the fact that everyone thinks I'm high maintenance, mababaw lang kaligayahan ko specially when it comes to gifts or material things.
Thank you Bes for the wonderful gift. Ang weird ng shape nito, I've seen this design but not with this type of tumbler. Nakakaaliw. May bago na akong gagamitin sa office kasi yung tumbler ko sa office, todong effort para makainom dahil sa liit ng butas. Yung tipong lumamig na yung kape, di mo pa nababawasan.
No comments:
Post a Comment