Monday, September 20, 2010

Music Video Moment


Naglalakad ako kanina pauwi galing office. Kabababa ko lang ng jeep nang biglang umambon.

Sumakay ako ng isa pang jeep para deretsong baba na ako sa village namin.

Naka-plug ang earphones ko, nagsosound trip ako sa jeep.

Pagbaba ko, biglang bumuhos na ang ulan.

Biglang nagplay sa phone ko ang 'I Hate This Part'.

Feel na feel ko tuloy na maglakad sa ulan.

Feeling ko nagshooshoot ako ng MV.

I felt the droplets of rain hit my face.

I brushed my hair back using my left hand.

I looked behind me to see if there were any cars.

Kulang nalang eh mag-slow mo ako dun.

Bigla kong naisip...

"Leche nasan ang ganitong shit nung mga panahon na hirap na hirp kaming gumawa ng music video para sa TV workshop class namin. Eh di sana hindi na kami nahirapan at napasa namin ng matino yung subject na yun."

Ewan ko ba kung ano trip ko kanina. Epekto ata to ng acid rain ng maynila eh.

Haaay...

No comments: