Wednesday, May 4, 2011

Ang E-mail Niya

"I'm on my way to the airport. I'll see you soon"

Yan ang tumambad sa akin pagbukas ko ng e-mail ko kanina sa office.

Nanlamig ang buong katawan ko. Nakaramdam ako ng magkahalong tuwa at takot.

Hindi ko alam kung bakit.

Ilang linggo ko nang alam na darating siya at eto na nga. Bukas ay nandito na siya.

Bukas ay darating na ang boss ko mula Canada.

Hindi ko pa kasi nasasabi sa inyo na ako lang mag-isa sa department ang nandito sa Pilipinas. Solo flight kumbaga. Ganun na mula nung na-promote ako. Lahat sila nasa ibang bansa.

Na-meet ko naman na ang boss ko sa personal noon dahil isa siya sa mga nang-interview sa akin pero matapos nun eh bumalik na siya agad sa Canada kaya hindi pa kami nakakapagbonding. Feeling close ano?

Kaya buong umaga kinulit kulit ko ang mga IT na i-set up na ang mga gagamitin ng boss ko pagdating niya. Hindi ko sila tinantanan hanggat hindi ko nakita na inayos nila ang station ng boss ko. Ambait ko no? Hihihi. Tinapos ko rin ang trabaho ko para sa araw na to para pagdating niya walang pending na trabaho.

Ako na! Ako na ang huwarang empleyado!

Anyway, bahala na pagdating niya bukas. Isa nalang naman na ang inaalala ko eh. Hindi ko pa alam kung ano ang isusuot ko at kung ano ang hairstyle ko bukas!!!

Kitang kita kung nasan ang priorities ko ano? Wahahaha

1 comment:

Anonymous said...

lol! love this entry. laugh trip!