Last week tinawagan ko si Papa at sinabi ko na ako na ang bibili ng school supplies ng mga kapatid ko para hindi na siya gumastos. Naisip ko naman na may konting dagdag sa sweldo ko kasi pumasok naman ako nung holy week.
Mula lapis hanggang bag bumili ako. Para at least bago gamitin ng mga kapatid ko diba?
Sabi nang kapatid ni Papa nung bumisita siya dito na mas ideal daw na pouch ang bilhin ko kasi kung pencil case daw, at some point eh mayuyupi. May point nga naman siya. So ayan, I bought these cute net-style pouches for pencils and what not.
I bought one bag for each of them. The one on the left is actually purple. Hindi ko ba alam kung ano ang meron sa lighting ng kwarto ko at naging blue sa picture yan. In fairness naman mukhang matibay dahil hinatak-hatak ko kanina to test kung matibay.
Keri lang naman.
When I got home, I was so excited to pack them so I took out all of the price tags and arranged all of the supplies in each bag para alam na ng mga kapatid ko kung alin ang sa kanila. I bought each of them their own stuff para hindi na sila mag agawan or maghiraman or something to that effect.
Grabe!!! Halos tatlong oras ako kanina sa loob ng NB. Wala kasi akong listahan ng mga bibilhin ko so nangangapa ako at lahat na ata ng saleslady napagtanungan ko at lahat ng santo eh nadasalan ko na. Ano bang malay ko na may specific notebook sa specific na grade?!
Pati lapis, ballpen, pad paper. Diyosmiyo santisima! Naloloka na ako kanina dahil tumatawag ako sa Laoag para tanungin sina Papa kung ano pa ang kelangan, jusme naka off lahat ng phone nila! Buti nalang nacontact ko pinsan ko. Pati si Parker pinagtanungan ko na.
Habang nagiikot-ikot ako sa NB, naisip ko tuloy kung ganito ba ang nararamdaman ng nanay ko nung ako pa ang nasa elementary at high school. Kung oo, jusme napagtyagaan niya yun?! I have a new-found respect for my mother kung ganon.
So ayun nga, matapos ang halos tatlong oras ng pagiikot-ikot sa NB, natapos narin ako. Ayun nung nagbayad ako sa cashier, napalunok ako nung nakita ko babayaran ko. Apparently although mura yung iba individually, pag minultiply mo by three lahat, may kamahalan din pala ng slight.
Pero keri lang, sa mga kapatid ko naman. Naisip ko rin naman na imbes gastusin ko sa luho ko ang pera ko eh di bilhan ko nalang mga kapatid ko ng mga ganyan.
Naisip ko lang... parang ang dami kong naisip ngayong araw na 'to.
Ano say niyo?
1 comment:
Bait naman ni Kuya! :)RJ here
Post a Comment