Friday night nang magkita kaming dalawa ni Mama sa Trinoma. Dumeretso na ako dun ula office since hanggang 6 lang naman ako.
Bumisita si Mama dito dahil may inasikaso siya par sa work.
So ayun nga, nasa Trinoma na kaming dalawa.
Favorite kasi ni Mama ang Japanese food, pareho kaming dalawa. Syempre, bata palang ako pinapakain na ako ni Mama ng Japanese food kaya naging favorite ko.
Since super konti ang Jap restos sa Trinoma, pumunta kami ni Mama sa Oki Oki. Located siya sa tabi ng main entrance ng Trinoma.
Ayan may tea na iseserve pag upo niyo palang. In fairness, lasa siyang... tea.
Damng tao no? Hindi niyo ba sila nakikita? Tingin kasi kayo sa gitna ng picture, sa labas, madaming tao ang naglalakad.
Si Mama. Nagsuklay pa siya bago ko picturan. O diba? Always prepared.
Sukiyaki. In fairness, delicious at ang daming beef na laman.
Chicken something. Hindi ko maalala ang pangalan nito basta lasa siyang chicken barbeque na binudburan ng sesame seeds.
Tamago ang aking favorite na sushi. Masarap ang Tamago sa Oki Oki pero kamusta naman ang 2 pieces diba? Masarap nga pero sa lalamunan ko palang na-digest na ata. Sana naman ginawa manglang tatlo diba?
Tempura. Gusto ko siya kasi manipis lang ang batter na ginamit. Ayoko naman kasi kumain ng tempura na sobrang kapal ng batter eh hindi mo na malasahan ang hipon pag kinain mo.
I guess I'd give this place a 5 out of 10. Ang konti kasi ng serving para sa price. Sa lasa naman eh keri narin, masarap naman in fairness.
Ganito kami magbonding ni Mama. Either shopping or food trip tapos todo kwentuhan lng kami. Para lang kami magbarkada ano?
1 comment:
try sakae sushi in sm north edsa annex. they have unlimited sushi (in conveyor belts!!) with unlimited serving of green tea (hot or cold) and one serving of yummy miso soup for only 400! and their standard dishes are also amazing!
madalas ako dun, being a sushi lover myself.
Post a Comment