When I'm stressed dahil sa work, I indulge in some of my guilty pleasures. Lately, ito ang mga nilalantakan ko when I need a little pick-me-up.
Mogu-Mogu
Ewan ko ba kung ano ang meron sa drink na to, it's addicting. It tastes like regular juice but it's filled with nata de coco. I saw Bongga drinking this so I had a sip, after an hour lumabas ako ng office at pumunta ng 7/11 para bumili.
In fairness, refreshing siya.
Selecta Hershey's Reeses
Kakwentuhan ko ang isang officemate ko nang bigla niyang nabanggit na masarap daw to. I've been planning to buy a tub of this just to taste it for the longest time pero ewan ko ba kung bakit hindi ako bumibili. Eh sa kakulitan ng officemate ko, naisipan kong bumili at nang matikman ko siya, hindi ko kinya!
Perfect 10 ang score ko sa lasa nito.
Though I may be biased because my favorite brand of chocolate is Reese's :)
Tutti Frutti
Earlier today, I was desperately craving for something sweet but I couldn't decide what to buy. Ewan ko kung bakit, bigla akong naghanap ng frozen yogurt. Sa lakas ng ulan, hindi ako makapunta sa Frozen Yogurt shop na nasa Centris walk. Nafrustrate ako bigla.
Hindi na ako makapag concentrate sa work dahil talagang gusto ko nito. Bigla kong naalala, nasa akin pala ang payong ni SexyAnne at dahil diyan, lumabas ako ng office at dinedma ang ulan.
I don't eat healthy do I?
2 comments:
Tama! Anataba mo na... LOL :) Haha! Parang gusto ko mg hanap nung Mogu Mogu dito sa Bacolod, feeling ko masarap sya kasi faveorite ko Nata de Coco eh... LOL :) - RJ
i hate you... we have the same favorites!!!
hoorah for mogu mogu!
hoorah for selecta hersheys! (and, of all 3, i love reese's the most!)
hoorah for tutti frutti!
Post a Comment