Thursday, May 19, 2011

One Year and One Month

April 2010 nang ako ay mag umpisang mag-trabaho sa kumpanya namin. 

Noon ay nasa RCBC Tower pa kami ng Makati. Isang maliit na opisina lang yun noon at ilang team kaming nandun. 5am palang umaalis na ako ng bahay dahil ayokong matraffic.

Noon, ang station ko, may isang monitor plus ang aming Cisco phone. Wag niyong pansinin ang maga nakasulat sa pader. May freedom wall kami dun.


Mga bandang June eh lumipat na kami ng Eton Centris sa Quezon Ave. In fairness mas malapit sa bahay kaya nakakatulog na ako ng maayos noon.


Buti naman at naging dalawa na ang monitor namin. Syempre nandyan parin ang headset at Cisco phone. Pwede ba namang mawala yan?!


Nang na-promote ako last month, naging non-ops ako so di ko na kelangan ng Cisco phone. Aanhin ko pa yun diba? Medyo nalagyan na ng mga papeles ang desk ko.


Nang dumami ang trabahong binibigay sa akin, dumami din ang mga papeles at abubut sa desk ko. Syempre organized parin dapat diba?


Ngayon naman naging ganyan na ang desk ko. Sa dami kasi ng ginagawa ko, nagha-hang na ang PC ko minsan kaya kelangan ng external help hahaha.

In fairness, sa loob ng isang taon at isang buwan, kakaiba rin pala ang naging evolution ng workspace ko. 

Sa totoo lang, bawal gumamit ng laptop unless company issued pero kinailangan ko lang talaga kanina kaya pinagbigyan ako na gamitin saglit.

Busy-busyhan man ako these days eh masaya parin ako. Unang-una mabait ang boss ko. Pangalawa, nagagawa ko na ang gusto ko. Pangatlo, nakakapag-break ako kung kelan ko gusto. Pang-apat at pinaka importante sa lahat, dahil hindi na ako agent, no more calls!

Napapaisip tuloy ako, ano kaya ang susunod na evolution ng desk ko. Mabigyan din kaya ako ng Mac? Hahaha ilusyonado.

P.S. Madami kasing nagtatanog sa akin nito eh. Hindi si Celine Dion ang wallpaper ko. Hindi ko ba alam kung ano ang tinitira ng mga ka-opisina ko at napagkakamalan nilang si Celine Dion yan.

Siya ay si Anna Torv, bida ng aking peyborit show na Fringe. 

Dats all powks!

No comments: