After our day tour, Parker and I went back to the hotel for a quick nap.
Gabi na ng tumawag ang kaibigan ni Parker para sabihing nasa hotel na siya para sunduin kami at magdinner daw kami sa labas.
Nangulit si Parker na gusto daw niyang pumunta sa Bohol Bee Farm kasi gusto niyang tikman yung salad na gawa sa flowers.
I had to do a double-take because I thought I heard him wrong.
Apparently, the bee farm serves a salad freshly made from flowers.
The bee farm was far from the city. As in ang layo niya at ang dami pang pasikot-sikot papunta dun.
Pero pagdating namin dun, nagulat ako.
I was left speechless.
Tignan niyo naman kasi.
Shalan ang Bohol Bee Farm. Pangmayaman.
Eto na ang food.
Naweirduhan ako sa rice nila. Color brown na may mangga.
Eto naman ang seafood platter. In fairness nagustuhan ko ang blue marlin nila.
Ang salad na gawa sa flowers.
Inubos ni Parker kasi walang ibang gustung kumain nito kundi siya.
Gustong gusto naman niya.
Hindi ko feel lumafs ng bulaklak.
Hindi ko ganun kamahal si mother earth.
Ang seafood soup something.
Pwede na.
Sa lahat ng kinain namin, eto yung nagustuhan ko talaga. It's kamote bread tapos yung spread may choice ka kung mustard or pesto. Masarap siya. As in.
Dinner was good kahit na wala akong nakaing karne nung gabing yun.
The place was amazing and I was with Parker.
I never knew that a jewel like this place could be found in Bohol.
Oh and did I mention that this was a seaside resort?
Yes dear readers. Dinner by the sea ang drama.
Ang sarap sigurong maghabulan sa may tabing dagat.
Tapos madadapa ako.
Tapos sasaluhin niya ako.
Tapos magkakatinginan kami.
Tapos ngingitian namin ang isa't isa.
Tapos gugulong gulong kami sa may buhangin at maririnig namin ang paghampas ng mga alon.
Tapos yayakapin ko siya ng mahigpit na mahigpit.
Tapos...
Tapos...
Tapos...
Naalala ko hindi pala pwede kasi andun yung friend ni Parker.
Next time nalang siguro hihi.
=)
(to be continued)