Thursday, October 21, 2010

Inuman Ulit

Dahil bagong sweldo at dahil kareregular lang namin, naisipan ng wave namin na lumabas at uminon. Pero dahil may work si Del, si Jay naman itinakbo ang anak sa ospital, at si Rowie eh medyo nawawala sa sirkulasyon, ako, si Rax, at si Libby lang ang pumunta. So as usual since lasingan at kainan, saGiligans ako nagyaya.

Ewan ko ba pero gustong gusto ko dun.


Syempre, Tanduay Ice ang akin. Stallion naman kay Rax. Kay Libby Iced Tea. Hindi umiinom tong babaeng to eh.


At dahil pare-pareho kaming gutom, ayan, Giligans fried rice at ang kanilang signature na sizzling sisig. Actually nung naubos to, umorder pa nang isa si Libby na ganyan din.

Masaya naman kahit tatlo lang kami. Daming kwentuhan. Daming chismis. Daming revelation. First time kong makasama si Rax na gumimik kasi syempre magkaiba na kami ng department kaya kung kelan match ang schedule dun lang kami nakakapagkita.

May kwinento sa amin si Libby pero sa amin nalang yun. Basta ang comment ko lang, ang haba haba ng rebonded na hair nya.

Nang medyo sumasakit na ang ulo ko, nagyaya na akong umuwi. It was a fun night, I needed to unwind.

Basta pag nakita nyo akong naglalasing sa kung saang bar, just approach me and I'll buy you a beer. Okay?

4 comments:

ilovestevenash said...

I definitely had fun kahit sandali lang tau. :) Aray! Naapakan mo ang hair ko sa sobrang haba oh...hehehehe... :)

Anonymous said...

"Basta pag nakita nyo akong naglalasing sa kung saang bar, just approach me and I'll buy you a beer. Okay? "

i'll be surprised if you weren't mobbed yet giving away offers like this :)

Adam said...

So far wala pa naman. I'm more generous when I'm drunk hehe

Anonymous said...

generous in every sense of the word? lol (just kidding)