Tuesday, October 5, 2010

LDR Brevities and Ambiguities


Sa mga readers ko, ilan sa inyo ang naniniwala sa long distance relationship? How many of you believe that two people could make such a relationship work? Meron ba sa inyo? Raise your hand nga kung meron.

Dadaan ang mga araw, linggo, at buwan, na hindi kayo magkikita. Dadaan ang mga araw na ang paraan lamang para makapagusap kayo eh sa cellphone. Minsan sa Facebook o kaya naman Skype. Dadaan ang mga minuto kung kelan sobrang mamimiss mo ang taong mahal mo dahil malayo siya sayo.

Para makapagkita kayo, may pagtawid ng dagat na drama pa. Para makapagkita kayo, ang laki ng gastos dahil sa pagbyahe. Parang ang hirap no? Pero hindi rin. Depende sa inyo yun. I've always asked myself why are other people so afraid of committing to a long distance relationship. Isn't it enough that you love and trust the person? Does being physically there mean that he or she will always be loyal and truthful?

Oo mahirap, oo challenging, pero diba mas masaya yun? It's how you test your love. It's how you gauge how much the person loves you because no matter how far he or she is, pinanghahawakan nya ang sinabi mong mahal mo siya. Inaalagan nya ang tiwalang binigay mo.

It's hard at first, kasi you long for each other. It's challenging and all that, but in the end, it gets better. There are times na magaaway kayo at magtatalo at ang hirap na wala sa tabi mo yung tao. It's hard when you are all alone crying in a corner and all you want is for the person to hug you and tell you that everything's gonna be okay.

When you argue or fight, there is no harm in saying sorry. Apologizing does not always mean you are wrong and the other person is right. It just means you value your relationship more than your pride and ego.

Everyday that passes by na wala sya sa tabi mo feels like an eternity of waiting, but when the wait comes to and end, pag nakita mo na sya, ang mga mata nya, ang matamis nyang ngiti, wasn't the long wait well worth it? 

Kaya sa iba dyan na takot magmahal ng taong malayo sa iyo, ang masasabi ko ay take a chance. Sumugal ka. Maniwala ka pag sinabi nyang mahal ka nya. Alagaan mo ang tiwala na ibibigay nya. Forget what the world has to say. Carpe diem and all that shit. It all gets better in the end and you'll know that it was worth the wait.

No comments: