Tuesday, October 5, 2010

Eto Na!

Eto ang proof. Ang patunay. Ang katibayan na ako ay isang nang ganap na regular sa department namin. It's the letter of appointment something something na nakita kong nakalapag sa desk ko pagbalik ko galing break.

"I left something on your desk", sabi ng aking Supervisor.

"Ok", sagot ko.

Paglapit ko sa desk ko, bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Diyos miyo ano nanaman ginawa ko?", tanong ko sa sarili ko. Tinitigan ko ang nakabaliktad na papel na nakapatanong sa desk ko. I searched my soul for anything that I might have done wrong in the past 72 hours. Biglang lumapit ang Sup ko nang makita nyang nakatayo lang ako at parang adik na nakatitig lang sa papel.

"Open it", sabi nya.

"Im scared", pabiro kong sinagot.

Kinuha nya ang papel at ibinaliktad at nakita ko ang word na 'Congratulations' agad. Nakahinga ako bigla ng maluwag. Inabutan nya ako ng ballpen at pinirmahan ko na. Official na talaga. Wala nang bawian to. No no no no.

Finally may pinirmahan na akong document that doesn't have the words 'written', 'verbal', 'warning', or 'violation'. Ang saya saya ko. Sweldo ko pa ngayon. Dadating si Parker sa weekend. I'm starting to like this month.

Oh yeah! Oh yeah!

2 comments:

ilovestevenash said...

Hilarious!!!! :)) Congrats, batchmate!

KUMAGCOW said...

Congratulations Anton, pwede ka na gumamit ng health card hehe