Sunday, October 17, 2010

Huling Tagay with Mae

Sabado ng hapon nang matapos ang trabaho ko. Lumabas ako ng office at dumeretso ako ng TriNoma. Naghihintay na sa may Landmark si Anna Mae, isa sa aking mga kaibigan mula sa Baguio. Sa 28, lilipad na siya papuntang America dahil nandun ang asawa nya kaya bago pa siya umalis, kinontak niya ako sa fezbuk para magkita kami.

Nang magkita kami, dumeretso kami sa Giligans para umpisahan na ang walang katapusang kwentuhan at inuman.


Nagstart ang first round. Syempre kelangan Tanduay Ice ang inumin dahil traydor ang Tanduay Ice. Lasang Sprite so derederetso ang paglagok. Pagtayo mo, saka mo mararamdaman ang sipa. Mapanlinglang ang Tanduay Ice and dats why I lab et.


At dahil si Mae eh mahilig sa Pica-Pica Platters or anything similar, ayan, dalawang platter ng pulutan. Buti nalang gutom ako nun kasi ang dami nun para sa amin lang. Eto pala si Anna Mae.


The blushing bride that she is. I was suppose to attend her wedding but since I had work and super busy kami nun, hindi ako makapagleave. In fairness, kasal na ata ni Mae ang pinaka-engrandeng kasal sa Narvacan in the past 10 years. Feeling ko kahit governor eh hindi kayang kabugin ang kasal nya.

Anyway, mabalik sa Giligans. Nagumpisa ang kwentuhan namin tungkol sa naging buhay namin sa Baguio. How much we miss it and how homesick we are. How hard it was for us to say goodbye and how we don't want to go to Baguio dahil natatakot kami na hindi na kami umalis.

Kahit na madaming ka-lechehan ang nangyari sa Baguio during the years of our stay there, we had the best years of our lives there.

Matapos ang usapang Baguio, biglang napunta sa love life ang usapan. I checked the time on my phone tapos nilapag ko ito sa table. Nakita ni Mae ang wallpaper ko na picture namin ni Parker. Ayun, kinuha ni Mae ang phone ko at kinalkal ang aking album. Nakita nya mga pics ni Parker.

"Mukhang masaya ka sa kanya", sabi ni Mae.

"I am", sagot ko sabay sindi ng yosi.

"Alam mo ba na 6 years na kami ng asawa ko and this December will be the first Christmas na magkakasama kami"

"Pano mo kinaya ang 6 years Mae?"

"Mahal ko siya. May tiwala ako sa kanya. At kung may gawin man siya, basta alam niya na sa akin siya dapat umuwi", sagot ni Mae.

"Ang hirap din minsan no?"

"Eh hindi naman kasi dapat maging madali yun eh but let me tell you this, konting tiis pa kasi everything will be worth it in the end. I waited for 6 years and at the end, nandito na ako."

"I know", sagot ko.

 "Basta lagi mo tandaan, at itinuro niya eto sa akin, its not the distance that separates us, its the love that binds us and thats what matters"

"Mahal ko siya, and even though its hard na malayo siya sa akin, ok lang at maghihintay ako kasi confident ako na darating yung time magkakasama din kami"

"Thats the spirit beb. Alam mo for your first year, ang dami niyong pagaawayan, pagtatalunan, ang daming tampuhan niyan", sabi ni Mae, "pero as long as you are willing to make it work, as long as mahal niyo ang isa't isa at may tiwala kayo sa isa't isa, everything will smooth out soon"

Nakatingin lang ako kay Mae the whole time. It was the first time that Mae and I talked about love and relationships.

"At ito ang tandaan mo beb, no one can tell you kung sino ang dapat mong mahalin", dagdag ni Mae.

"Tama.You can't tell your heart what to do because it has a mind of its own and the heart wants what it wants", sabi ko sabay hithit ng yosi.

"At eto pa, pareho kayong nasa Pilipinas. You are a boat ride or a bus ride away from each other. Kung kami nga na nasa magkabilang dulo ng mundo eh kinaya namin"

Sa totoo lang, si Mae ang isa sa mga inspirasyon ko pagdating sa long distance relationship kasi hindi rin biro ang 6 years. It has been long enough and I am happy that she gets to be with her husband after all these years.

Buti nalang at nakita ko ang lukaret na to before siya umalis, though nung naghiwalay kami, I had this sinking feeling. This feeling of sadness kasi alam ko na bumalik man ako ng Baguio, hindi na kumpleto ang barkada namin.

Mae, thank you for everything, for seeing the good in me and for being one of the people who took me in when everyone else turned their backs on me. I will forever be grateful for that. It's not everyday that I get to meet someone like you and as painful it is to see you leave, I am happy for you because you get to be with the man you love.

The wait has been long enough. Thank you for all the advice, I know that Parker and I still have a very long way to go, but I'm confident enough that we can handle whatever shit life throws at us.


Have a safe trip beb, and I hope our paths will cross in the future.

Bonne chance mon ami. Au revoir.

1 comment:

itzmhaey said...

thank you so much beb..am speechless...

....i'll see you soon...i love you beb and im wishing complete happiness for you and your babe..always pray...always believe...
everything happens in God's time..