Tuesday, October 19, 2010

Last Na To! Promise!


Eto na!

Eto na talaga!

Regular na ako!

Regular na kami!

Habang nagblo-blog hop ako kanina, lumapit sa akin si Ms. Emma, yes same girl na nagtakbo sa akin sa hospital, at nilapag niya yan sa desk ko.

"Saglit! Kelangan kong picturan to!", sigaw ko.

Nagulat si Ms. Emma, na disorient siya kasi bigla akong tumayo at kinuha agad phone ko.

Natawa ako sa reaction niya. Pati ako nadis-orient.

Pumirma ako dun sa box kung san nakadikit yung yellow something.

At syempre, ginamit ko ang pen na bigay ni Parker. Sinadya kong dalhin today just in case.

At ayan, sure na sure na. Wala nang bawian.

Makakarecive na ako ng allowances and benefits.

May karapatan na akong magkasakit.

Wala na akong takot maglakad sa kalsada ng hatinggabi dahil kahit masaksak ako sa daan eh may medicard na ako.

May dagdag narin sa sweldo ko dahil sa allowances chuchu namin.

Yes na yes!

Congrats sa mga wavemates ko na sina Rowie, Libby, Del, Jay, at Rax. Tumagal tayo ng 6 months mga kapatid. May we spend more years in the company.

Buti naman kumpleto pa tayo. Enjoyin natin ang ating sasahurin sa November 5.

Pak!

4 comments:

ilovestevenash said...

Congrats! Inggit ako. Bakit kasi kung kelan regularization day e yun ang off ko, mamaya magbago ang isip ng management at iterminate ako.hahahaha. :)

wanderingcommuter said...

yeah... sweet!

congrats po sa regularization!

entitled ka na sa mga paid leaves!!! hahahah! file na! lol

Adam said...

@Libby ayan kasi. Pwede namang ipamove ang day-off diba?!

@Wanderingcommuter Nakapag-apply na ako for vacation leave. Last week pa. hahaha. Assuming na talaga ako noon na mareregularize ako.

James said...

-just wanna ask kung ano po yung acct neu sa centris. tnx

-enjoy reading your blog