Friday, October 15, 2010

Empathizing 101


Kahapon ay nagtraining kami on how to empathize blah blah blah. Kasabay ko sa training ang aking Supervisor. Dapat apat kaming taga Poker pero absent yung dalawa kaya kaming dalawa lang ang nagtaas ng bandila ng Poker sa training.

Bagong drama ng office ito kung saan lahat ng members ng Ops including Supervisors eh i-tratrain on how to be more empathetic with our callers. Oh diba?! Part ako ng second batch at halos lahat ng mga nasa training eh mga newbies or at least mga sumunod na waves so hindi ko sila kilala. Pero may mga ilan din naman na kilala ko.

Nasa first batch ng training ang aking mga ka-team na sina Tess at Aze.

"Habang nagtuturo yung trainer, ikaw yung naalala ko. Pano kaya si Anton pag nasa training na siya kako", sabi ng makulit na si Aze.

Napatawa ako bigla at napaisip. Oo nga naman. Ako? Empathize? Good luck to me.

"Feeling ko kelangan mo ng mga 5 sessions nito", pabirong sabi ni Tess.

5? Feeling ko nga baka 10 sessions na eh saka ko palang i-consider na baka mag-empathize sa mga kausap ko. Joke lang. Hindi naman ako nakikipag-away sa phone, stubborn lang ako.

Ika nga ni Tess, "you sound too authoritative".

Lambingan ko daw.

Nagenjoy naman kami sa training, tinuruan kami ng mga calming statements and all that. Dapat daw i-apply namin ito not only at work but also in real life. Again, goodluck to me.

Tinanong kami ng trainer kung ano ang isang bagay na ginawa namin kung saan we could have been more empathetic dun sa kausap namin. Sinesenyasan akong sumagot ni Bongga at ng ibang mga nandun. Sasagot na dapat ako pero nagbago ang isip ko.

May perfect akong sagot diyan sana. A call that I had 6 months ago which still haunts me to this very day. Pero hindi nalang ako sumagot kasi pag naalala ko yun, bumabalik ang sakit ng alaalang nakalipas. Wow, ang lalim. Nagnonosebleed na ako! My Canadian friend would be so proud of me dahil dereso na akong magtagalog. Thank you ABS-CBN primetime bida for all the punchlines.

Anyway...

Bago magstart ang training, pinasulat kaming lahat sa isang malaking papel na nakakabit  sa wall kung ano ang ine-expect namin na matutunan pagkatapos ng training.

"Learn to be more patient with irate callers", ang aking sinulat.

"Good one!", sabi ng aking Sup sabay ngiti ng nakakaloko.

Haaaaay.

No comments: