Thursday, February 3, 2011

Ang Giniling. Bow.


Pag-uwi ko sa bahay nung isang araw, nagiisip ako kung ano ba ang pwede kong kainin for dinner. Eh since wala ako sa mood mag delata, ni-raid ko ang freezer at naghanap ng pwedeng i-luto. Nakita ko na may giniling pa pala dun. 
Lumabas ako at bumili ng iba pang ingredients na kelangan ko. 

Inumpisahan ko nang magluto. In fairness masarap siya. Feeling ko napadami lagay ko ng soy sauce pero sakto lang naman yung alat niya. Manamis-namis yung carrots, sobrang lambot nung karne at patatas. Perfect!

Natuwa ako kasi first time kong magluto ng Giniling. Dahil madami pang natira, nagbaon ako sa office.

Sa pantry:

"Aba! May baon ka!", sabi ng isa sa aking friends sa office.

"Hindi. Hindi yan baon. Props lang yan", sagot ko. 

"Anong meron?"

"Wala bakit?"

"Mamatay ka na ba? Masamang pangitain yan ah"

"Puta ka!", sabi ko sabay tawa.

In fairness basta mag-baon ako ng food sa office, meron at meron nag rereact. Bakit ba?! Bawal? Bawal?

Aaahhh!!! Basta!!! Happy ako na masarap ang giniling ko. =P

2 comments:

Francine Morete said...

om the looks of it... mukha ngang masarap yang giniling mo... nice post! have a great day!!! =)

John Bueno said...

I put raisins on my giniling. It makes it sweeter. But I guess its just preference.