Thursday, February 3, 2011

Ahhh....Ok...


Kahapon, kumakain ako ng lunch sa pantry. Giniling. Yum.

Nandun din ang ilang mga friends ko. May pinaguusapan sila.

Eh biglang nadamay ako sa usapan nila.

For anonymity's sake, I will change their names here.

"Ayan si Anton oh. Tanungin mo siya.", sabi ni Harry sa kasama niyang si Tina.

"Ano yun?", tanong ko kay Harry.

"Kilala mo ba si Amor?",

"Oo naman! Bakit?"

"Tingin mo ba, is he gay?"

"Bakit? Hindi ba?!"

"Hindi daw. Straight daw siya eh", sagot ni Harry sa akin.

"Eh first time ko palang makausap yun alam ko na agad eh"

"Oh kita mo!", sabi ni Harry kay Tina.

"Eh kasi pinipilit niya na straight siya", biglang sabi ni Tina sa akin.

Tumahimik ako saglit.

"Luis, kilala mo ba si Amor?", tanong ko sa isang kasama namin.

"Oo bakit?"

"Tingin mo ba bading yun?"

"Tinatanong pa ba yun?!", walang kagatol-gatol na sagot ni Luis.

Tumingin ako kina Harry at Tina.

"Kita niyo na?!", sabi ko.

"Eh malay niyo naman, hindi siya bading.", sabi bigla ni Luis.

"Eh ano?", tanong ko.

"Babae siya. Hindi na dumaan sa pagka-bading. Deretso na sa pagiging babae", sagot ni Luis sabay tawa habang palabas ng pantry.

2 comments:

iprovoked said...

we sometimes judge people by the way they talk or by the way they do things, it's very unfortunate, especially when we talk about them behind their back. I don't think it does make him less of who he is given it's true that's he's gay. We don't make stories and fun of them. Just my two cents. :D

Mac Callister said...

hahaha ang saya saya magtsismisan!!!