Sunday, December 5, 2010

What We've Been Waiting For


Friday.

Pumasok ako sa office at nakita ko na kahit alas-syete palang ng umaga eh hindi na mapakali ang mga officemates ko. Alam ko na agad kung bakit.

Today ang pasok ng 13 month pay namin plus xmas bonus. Kaya pagdating ng lunch ko, dali dali akong pumunta sa ATM Machine para icheck kung magkano nakuha ko. Let me just say this, I LOVE OUR COMPANY.

I was actually expecting less kasi nagcompute ako. Pero it was way more than what I expected. Finally, things seem to be turning out good for me. Kaya sa mga officemates ko na nakuha na ang kani-kanilang mga bonus, alam kong masaya kayong lahat. Halina't magsiwaldas na tayo ng mga pera natin.

Dahil diyan, I solemnly swear na magpapakabait na talaga ako sa office. Thank you to the management for continuously taking care of  their employees. Thank you sa HR na kahit lagi naming kinukulit eh ine-entertain parin kami. Thank you din sa payroll people kasi mula nung nagtrabaho ako sa company 9 months ago, up to this day, ni minsan hindi pa nagkakaroon ng discrepancy sa mga sweldo namin.

I. Thank. You.

3 comments:

Parker said...

libre! libre! hoy sumagot ka ah!

RJ said...

I agree Parker! Libre naman dyan! LOL

Anonymous said...

i'm dead jealous now! :(