Sunday, December 5, 2010

Metrowalk


Dahil nasa Maynila itong si Darnell, nagyaya siyang gumala at mag nightlife daw. Eh feeling ko hindi niya trip ang Malate at Morato dahil pag may lumapit na beki at nilandi siya eh baka bigla niyang upakan. Jusko po mapaaway pa kami.

Sabi ko sa kanya mag Metrowalk nalang kami. Pinadescribe niya sa akin ang Metrowalk.

"It's like Nevada Square but without the social climbers, gang wars, shoot outs, and high school girls who dress like college whores"

Natawa nalang si kumag. Sabi ko dun nalang kami since treat ko naman.


Since may medyo hindi ok ang pakiramdam ko nun, San Mig Light lang inorder ko. Stallion naman sa kanya. Ayoko na ng Tanduay Ice. Punyemas, mas matagal mawala tama ko eh. Saka in fairness, dahil kay Parker eh mas natututunan ko nang uminom ng beer. Hindi na ako masyadong nasusuka sa lasa niya.


Ayan pala si Darnell. Mukha siyang beki lalo na sa pic na to pero trust me, straight siya.

Nagkwentuhan kami tungkol sa mga kadramahan, kalokohan, kagaguhan, kasiyahan, kahalayan sa buhay ko lately. Hanggang ngayon daw hindi siya maka get over na wala na ako sa Baguio. Hindi daw niya lubos maisip kung ano nagtulak sa akin na umalis noon.

Sabi ko, it was a chance for me to grow. A chance for me to broaden my horizons. A chance for me to be a better person.

Muntik-muntikanan niyang ipalo yung bote sa mukha ko.

Hindi ako magpopost ng picture ko nung gabing yun because I looked like shit that night. I looked like hell just warming up.

It was a fun night naman, a good break from everything. Plus, I got wasted only after a few bottles of beer. Literal na nakatulog ako sa taxi.

2 comments:

RJ said...

Ayyyy... Gusto ko pumunta ng Manila para mag party..:)

Anonymous said...

aah! the good old days!

looks like everyone's well into the "spirit" of the xmas season!!! :)