Sunday, December 5, 2010

Bonding with Bongga Pt 1

Mula nang maging Trainer tong si Bongga eh medyo nawawala na siya sa sirkulasyon. Sa isang linggo, siguro 2 times nalang kami nagkikita which I find strange kasi nasa iisang floor lang naman kami. Hindi naman isang ektarya ang office namin. Dudungaw lang naman ako or siya. Pero busy nga tong si Bongga at busy-busyhan din ako. Wahahaha!!!

About a month ago, kakwentuhan ko tong si Bongga.

"If you buy an iPhone 4, sell your 3GS to me!", sabi ni Bongga. With matching facial expressions yun ah.

"Let me ask you first, why do you want it? Is it for the phone or mostly for the music and games?", tanong ko matter-of-factly.

Nagisip ng mga 3 seconds itong si Bongga bago siya sumagot.

"Games!"

"You don't need an iPhone, you need an iTouch. It's basically an iPhone without the phone. Wait for the iTouch 4 since may camera na yun and it records videos in HD", sabi ko habang tumatawa.

"Oh yes!!!", sabi ni Bongga.

Since medyo madaming bills na sinettle tong si Bongga, hindi siya nakabili agad but since nakuha na namin ang mga 13th month+xmas bonus namin, tinawag ako ni Bongga at sinabing bibili na daw siya. Syempre its a gadget espionage kaya join talaga ako.

Naglibot libot kami sa Cyberzone ng SM North Edsa and Bongga found it strange how fast my eyes were and how far my vision could reach. Yung tipong 2 shops away eh nakikita ko na yung mga tinda nila at nababasa ko yung presyo nila. It was the first time na nakasama ako ni Bongga mag gadget hunting. In fairness hindi naman siya na-trauma (I hope).

After almost 2 hours of walking around, we found one for a very low price in Games and Gadgets. I honestly found it strange that they sold it a little cheaper there since halos lahat ng nandun eh kamahalan ang presyo.

There's Bongga holding her milyones waiting for kuya salesman to bring out the iTouch.  

 There's kuya salesman removing the protective film wrapping the iTouch. In fairness ang daming achuchu na nakabalot sa iTouch ah. Bakit ang iPhone hindi ganun? At mas maganda box ng iTouch. Hmmmmppp!!!!

Et voila! Ang iTouch 4 ni Bongga. And take note, 32gig and binili niya. Nakakatuwa kasi ang nipis nipis niya.
Me and Bongga!

Tinanong ni Kuyang Salesman si Bongga kung gusto niya ng accessories. Ako ang sumagot at sinabi kong hindi na. Binulungan ko si Bongga at sinabi ko na may alam akong lugar sa Cyberzone that sells really cheap accessories. Syempre compared sa Greenhills mahal siya but compared to all the other shops eh mura na dun.

 Ayan bumili si Bongga ng screen protector para sa iTouch niya. Pinakabit niya kay ateng saleslady ang screenprotector.

After naming libutin ang buong Cyberzone at finally makabili ng iTouch 4, nagyosi pa kami sa Skygarden bago pumasok sa main mall ng SM.

(itutuloy...)

3 comments:

RJ said...

Yaman! Yaman! Makalipat nga ng company.. LOL

Anonymous said...

i'm well chuffed of the itouch too and can't go anywhere without it!

Anonymous said...

Thanks for tagging Anton :)
I'm lovin' my iTouch sobra!!!