In fairness I like the ambiance ah. It reminds me a lot of Casa Generosa back in Baguio where I also had a few drunken nights.
Goodbye Tanduay Ice. Kay San Miguel nalang ako.
Pwede bang mawala ang sisig pag ako ang umiinom? no no no no no! We still ordered a few more things but my cousin was hoarding my phone so hindi ko na napicturan.
Ayan ang malandi kong pinsan na si Jae. Nag-pose pa talaga. Jusme!
And since jam night yun sa Bistro 51, kinulit-kulit ako ng tita ko at pinsan ko na kumanta. Dahil medyo may tama na ako ng konting-konti lang, go naman ako. Ayan, may video pa hehe.
After drinking, I said I wanted to eat Empanada. If ever you are in Ilocos, your trip will NOT BE COMPLETE unless you try the following: Longganisa, Bagnet, and Empanada.
That night, Parker called me up and my cousin and Tita spoke to him. Nakakatuwa, nagkwentuhan silang tatlo. Jusko ano kaya pinagusapan ng mga yun?
"As early as now I want to welcome you to the family kaya come here on summer ah", saaaabbbeeee ba naman ng Tita ko kay Parker. Sa kanya na ang hindi-ko-kinaya award.
Madami kaming napagkwentuhan ng gabing yun. Past lovers, present lovers, funny moments in the past, family matters, and the most discussed topic was sex.
Sabi ng tita ko she can't believe daw she was talking with us about sex eh a few years ago lang daw binabantayan niya kami ng pinsan ko habang naglalaro kami. Eh pano naman kami diba? Di kami na-trauma sa ganun usapan? Ganon ba yun?!
Ay ay ay ay!!! Sabi ng Tita ko, feeling niya kami na daw ni Parker forever kasi sa lahat daw ng mga naka-relasyon ko, both men and women, si Parker lang daw ang willing at walang takot kong ipinakilala sa kanila.
Haaaanggg sweet no? Kaya nga ba sa lahat ng mga Tita ko eh siya ang aking peborit. By the way, ilang taon lang agwat niya sa amin ng pinsan ko so basically parang barkada lang namin yun kaya sa kanya kami close.