Friday, March 2, 2012
Bloom and Glow
"Alam mo mukhang masaya ka talaga," sabi ng friend ko na si Mariah.
Nasa smoking area kami after shift.
"I guess."
"Mabuti naman. Natutuwa ako at nakikita kitang ganyan. Iba eh. Hindi pa kitang nakikita na ganyan kasaya."
"Bakit naman?" tanong ko.
"Basta. Iba yung saya mo na nakikita ko."
"Bakit nung kami ba nung ex ko eh hindi ba ako ganito?"
"Hindi." sagot niya nang walang pagaalinlangan. "Kasi pag lumalapit ka sa akin noon puro masamang balita dala mo. Either may ginawa nanaman siya or may lalake nanaman siyang nilalandi."
Napaisip ako bigla. Hindi ba ako masaya noon, kahit nung una?
"Kahit nung bago palang kami?"
"Oo masaya ka nun pero hindi ganyan. Hindi ganyang klaseng saya. Ni minsan, kahit nung bago palang kayo nung ex mo, hindi kita nakita na ganyan. Ibang level yung ngiti mo ngayon at yung saya mo pag nagkwekwento ka or pag kausap mo si Matt." sagot ni Mariah
"Ano ba kasi yun? Hindi ko naman napapansin."
"Ngayon you're not just blooming, you're glowing. Pati pag kumakanta ka, iba. May emotion, may feelings."
"Ganun?!" tanong ko.
"Oo. Nakikita kong masaya ka na talaga."
"Siguro. He makes me happy. Maisip ko lang siya, napapangiti na ako. Lately, nagiging mas malambing siya. Nagiging mas sweet."
"Alam mo masaya talaga ako kasi masaya ka. Deserve mo maging masaya. Ano ba kasing meron diyan kay Matt?"
"Pero hindi kami." sagot ko kay Mariah.
Nakaramdam ako ng very very slight na kalungkutan. Hithit. Buga.
"So? Alam mo, nahuhulog na loob nun sayo based sa mga ginagawa niya pero yun lang wag mong pangunahan. Hintayin mo na siya magsabi."
Napangiti ako.
"Syempre naman."
"Basta, enjoyin mo muna yan. Alam mo naiinis ako pag kayong mga gay friends ko eh may ganyang mga eksena."
"Bakit naman?" tanong ko.
"Kasi bakit kayo meron. Ako wala!" sagot ng puta.
Napatawa kaming dalawa nang malakas.
Im sure, those who've read some previous posts or follow me on Twitter would know kung sino ang pinaguusapan namin ni Mariah.
Sabi nga ng friend ko na si James, which is probably the best piece of advice he has ever given me, "Anong mas pipiliin mo? Yung hindi mo pa alam kung ano ang status ninyo pero masaya ka at masaya siya or yung alam mo nga ang status ninyo pero hindi mo naman maramdaman? Mararamdaman mo lang pag nagaway kayo or pag may ginawa siyang mali."
In fairness, may point si James. Napaisip din ako sa sinabi ni Mariah.
At least I'm happy. Genuinely happy. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
May point sila friend. Char! :-)
yep, definitely may point si James! :)
love it, embrace it. status is just a label. i've seen people na masaya kahit hindi naman sila, pero ramdam nila ang love ng isa't isa. go lang ng go kay Matt! :D
Post a Comment