Sunday, April 24, 2011

Minor Changes


If you would notice, I have made several minor changes to the layout of the blog. Nothing major really, I just wanted to add a few things.

First eh nilagyan ko na ng tabs para sa fezbuk, twitter, multipy, etc. In case lang naman gusto niyo akong i-follow or i-add. Ambisyoso ako eh.
May makikita din kayong video sa right side. Every week papalitan ko yan ayon sa aking panlasa. O diba? At least, para may idea kung ano ang mga ni-youyoutube ko.

Inalis ko na yung facebook badge kasi in fairness medyo chaka yun kaya pinalitan ko ng box. Mas common din kasi yan na ginagamit sa ibang sites eh. Nilagyan ko din ng border ang twitter box ko. Para cute.

Inarrange ko yung ibang mga abubut na nasa sidebar noon. Nilipat ko sa baba yung iba na hindi naman masyadong importante. Inayos ko narin ang blogroll ko. Sa mga hindi ko pa nalilink, magcomment nalang kayo para alam ko ang blog niyo at nang ma-i-link ko kayo. Okay? Okay.

May mga pages na under construction palang tulad ng 'About Me' or yung 'Under Construction'. Hindi ko ka pa kasi naayos yun eh.

At at at at higit sa lahat, nilagyan ko na ng fezbuk 'like' button ang mga post ko. Para sa mga tamad magcomment diyan, maglike nalang kayo. Please lang. Thank you.

And so far ayan ang mga updates ng aking blog. Hindi ko matapos agad agad ang changes kasi naman very limited ang pwedeng gawin sa template designer so mano mano akong naglalagay ng HTML, CSS, at Javascript codes. Oh diba? Ako na ang IT.

So ayan muna ha. Abangan nalang kung may iba pa akong idadagdag pag tinopak ako.

No comments: