Thursday, April 7, 2011

Breathe! Breathe! Breath!


Sa smoking area.

"Can I have a minute?", sabi ni Madam HR ng bigla siyang pumasok.

Kalagitnaan ng pagyoyosi ko at kausap ko si Parker sa phone.

Sinabi ko kay Parker na kakausapin ako ng HR.

I ended the line.

"Sure. Whats up?", sagot ko kay Madam.

"I already have the status of your application", sagot niya. Seryoso ang mukha habang sumindi siya ng yosi.

"And?", I asked with trepidation.

Seryoso parin ang fez niya. Humithit siya sa yosi niya.

Tumingin siya sa akin ng deretso.

"Tanggap ka", sinabi niya sabay ngiti.

"HOYMAYGAD!!! SERYOSO KA????!!!! OH MY GOD!!!", hiyaw ko.

Yumakap ako sa kanya at nagtatalon ako sa tuwa.

"Mahuhulog ako!", sabi niya na natatawa.

"WALA AKONG PAKIALAM! SASALUHIN KITA!"

Ganun kataas ng decibel level ng boses ko dear readers. Para akong sinapian ng demonyo.

Hindi ako makapaniwala. Matapos ang mga interview, ang pagprapractive, pagrereview at kung ano ano pang kalechehan na ginawa ko para sa application ko, natanggap ako!

After one year, napromote narin ako at non-ops pa. Hindi na ako agent! Yehey! Isang taon din na araw araw kong sinasabi ang, 'Thank you for calling...how can I assist you?".

Ako na ngayon ang Copy Editor ng Media Department namin. Sosyal diba? May titulo na ako hahaha. I am so happy right now, I'm shiting rainbows.

At dahil ako to, nirequest ko sa HR na sa akin manggaling ang announcement na ipapadala sa buong office. Keri lang naman daw. Antaray diba? Syempre, si Parker ang gumawa hihihi.

I just have to finish the week in Poker and on Monday I start my new job.

Hanggang ngayon shocked parin ako.

It feels very surreal.

Someone slap me and tell me I'm not dreaming! Bilis!

No comments: