Tuesday, March 8, 2011
Sa Boon-dok...
About two weeks ago, I decided na hindi pwedeng hindi ako umakyat ng Baguio for Panagbenga. So I did what I normally do in spur of the moment decisions like this. Kinulit ko ang mga officemates ko para makipagpalit ng day off sa akin. The only catch is, I would have to work for 10 days straight.
Ok fine. Go. Kesehodang gumapang akong papasok dahil sa pagod eh gagawin ko makaakyat lang ako.
So ayun, kinulit ko din si Parker na sumama sa akin. Pwede ba namang umakyat ako na wala siya? Syempre I want him to meet my friends back home.
So Friday night, pumunta na kami sa bus terminal. Dapat sa Victory Liner kami pero kamusta naman, 4AM ang susunod na biyahe. Very wrong.
Buti nalang nung nasa taxi kami eh may nakitang bus terminal si Parker na papuntang Baguio ang biyahe. So ayun naglakad kami papuntang Dagupan Bus Lines.
Nakakatuwa kasi eto ang pinakaunang vacation namin ni Parker. Habang nasa biyahe kami minsan sasandal ako sa kanya o kaya sasandal siya bigla sa akin. Tapos yung ulo niya nasa balikat ko. Eeeeee kinikilig ako hehehe.
Mga bandang alas-singko naalimpungatan ako.
"Malapit na tayo sa Baguio", sabi ni Parker.
Gising na pala siya.
"Hindi pa", sagot ko nakapikit pa.
"Nasa Baguio na tayo papa"
"Wala pa nga"
"Tingin ka sa labas"
Hinawi ko yung kurtina nung bintana at nakita ko ang sobrang daming ilaw sa may kabundukan.
"Ay oo nga no!" sabi ko. Ayun nagising tuloy ang diwa ko.
In fairness, umalis kami ng 12:15MN ng Manila at dumating kami ng Baguio ng 5:15AM. O diba?
Since masyado pang maaga, hindi pa kami makapagcheck-in sa hotel kasi may tao pa sa room namin. Tinawagan ko si Darnell para dun muna kami sa bahay kasi pagod na pagod tong si Parker at kelangan niyang matulog.
So dumaan kami ng office niya at kinuha ko yung susi ng bahay. Pagdating namin dun, humiga tong si Parker at yumakap sa akin. Wala pang 5 minutes eh borlogs na. Humihilik hilik pa.
Tinext ko ang isa sa mga kaibigan ko at sinabi ko kung asan kami.
Patulog na ako. Nararamdaman ko na ang antok ng biglang tumunog ang phone ko. May nagtext.
"Im already here"
Bumangon ako. Lumabas ng room. Binuksan ang pinto at may nakita akong papasok ng gate.
Si Lyve.
(To be continued...)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment