At around 1PM nagsi-uwi na kami kasi may shift pa si Lyve kinagabihan at kagagaling ng work nila Darnell at Marj. Sakto din kasi 1PM ang check-in time at kelangan ko ding matulog kahit 2 hours lang.
Sa Blue Mountain Hotel kami nagstay. In fairness mura siya and the room is good for three plus it has a terrace and a view of the mountains. Though I think focal point eh ang mga bahay instead of the mountains.
Nakatulog naman ako sa awa ng diyos which was important kasi lalabas kami kinagabihan.
Sinundo namin si Darnell para mag-inuman sa Le Azul. Sensya na walang pics, pano ba naman kasi etong paranoid kong asawa eh pinagdedelete yung mga pics sa phone niya ng makauwi siya sa kanila kasi may humiram daw ng phone niya eh bigla siyang nagpanic. Ayun wala na lahat ng pics nung gabing yun. Haaay...
Anyway mabalik tayo sa Le Azul, tinuruan ni Darnell itong si Parker ng mga tips kung paano ako patigilin pag mainit ang ulo ko. Sabi ni Darnell eh dapat daw habaan ang pasensya sa akin at pag nagagalit daw ako eh i-ignore nalang daw ako. Ganda ng advice no?
Pero in fairness may point itong si Darnell. Kelangan talagang habaan ang pasensya pagdating sa akin.
Tumayo si Parker para mag CR.
"Hoy ikaw ha, yang temper mo!", sabi ni Darnell.
"Bakit nanaman?!"
"Kontrolin mo yang temper mo paminsan minsan. Alam mo ang mga mali mo noon dun sa isa, wag mo nang ulitin yun"
"Oo nga. Eh eto ba anong tingin mo sa kanya?"
"Mukhang mahal ka. Pasensyoso sayo kaya magpakabait ka. He looks like the emotional type."
"Anong emotional pinagsasasabi mo diyan?"
"Yung tipong konti lang eh nagdadamdam na kaya magpakabait ka"
"Oo nga in fairness."
Haaay...sermonan ba ako?!
At least nung gabing yun nakapag-bonding si Paker at Darnell.
Inuman eh. Tatanggi ba tong dalawa?!
No comments:
Post a Comment