Wednesday, March 9, 2011
Meh Ganun?!
Last week I received an email from a reader of mine. Since hindi ko alam kung out siya or what so let's name him Alex.
It was the typical "keep up the good work" message pero may binanggit siya about love and he felt empty daw. Or something like that. So I replied with some unsolicited advice and here's what he had to say.
*******************
Anton.
Si Anton ang dahilan ng lahat ng ito.
Oo. Ikaw nga.
May mga oras sa opisina na wala ako magawa kundi ang mag-internet, kaya naman napagdiskitahan ko ang pagbabasa ng blogs. Madami dami na din akong nabasa na blogs. Merong katatawanan, kapilyuhan, experiences sa sex, buhay may asawa o may pamilya, trips around the Philippines, kwentong kabaklaan, mga kwento tungkol sa mga sa kanilang normal na araw, at syempre, hindi mawawala jan ang kwento tungkol sa pag ibig. Iba iba. Pero iisa lamang ang layunin ng lahat ng bloggers – ang mailahad ang nilalaman ng kanilang isip, importante man o hindi ito sa kanilang mga tagasubaybay.
Sa lahat ng klase ng blogs na aking nabanggit, paborito ko ang pinakahuli – tungkol sa pag-ibig. Ito kasi ang bagay na sa tingin ko lahat ng tao ay meron. Katulad din lang ng blogs ang mga kwento ng pag ibig. Iba iba. Pero kahit na anong klase ng kwento na yan, kwentong pag ibig pa din yan.
Nang mabasa ko ang blog ni Anton tungkol sa buhay pag-ibig nya, dalawang emosyon ang aking naramdaman. Saya at pag-asam. Masaya ako para ay Anton at nakahanap siya ng isang Parker na sobrang nagmamahal sa kanya at tanggap kung anong meron at wala siya. Ang sayang isipin na ang pundasyon ng kanilang samahan ay pag-ibig. Pagkatapos ng saya, dumating ako sa realisasyon na “sana ako din, makahanap ng isang Parker.”
Oo. Umaasa ako na sana ang buhay pag-ibig ko ay maging katulad ni Anton – makulay at masaya.
******************
Naloka naman ako sa reply niya. Parang testimonial lang sa Friendster. Actually hindi niya alam na blinog ko to hihihi. Na-touch lang kasi ako. As I've written in a previous blog post, Parker and I don't have a perfect relationship but we're perfectly happy. We talk things over. We don't let our fights go on for more than 24 hours. At syempre laging may lambingan moments hehehe.
Kahit na laging busy tong si Paker, he finds time to call me or text me. Kahit isang 'I love you' na text is enough para pasayahin ang araw ko. At sobrang haba ng pasensiya niya sa akin.
Ako naman I understand that he has other priorities aside from me. Pag di siya makareply o masagot phone niya because he's busy with something, it's fine with me because he makes it a point to text or call me in the morning and we talk on the phone or on Skype before we sleep. Kahit sobrang pagod or sobrang busy we find time for each other every day.
Kaya sayo Alex, your prince is out there somewhere, malay mo this very moment iniisip niya kung nasan ka. Kung hinahanap mo siya. Basta don't be afraid to love because from that we learn, we grow, and if we get hurt, we teach ourselves not to make the same mistakes again.
Gaya ng sabi ko sayo, when you meet the person who will love you for who you are yet love you more for who you are not, then keep the person and never let go because that's the sign that you have met the right person to make you complete and fill the things that are missing in your life.
I hope you find love and happiness.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment