Wednesday, March 9, 2011

Eksena Sa Jeep


Pauwi ako galing work at nasa paradahan ako ng jeep.

Pumasok ako ng jeep at pumwesto malapit sa harapan kasi puno na sa likod.

May pumasok na lalaking nakasling-bag at umupo sa tabi ko.

Macho si kuya. Bruskong brusko. Yung tipong kaya niyang butasin ang pader gamit ng mga masels niya.

Half way through the trip eh napansin ko na hindi matigil si kuya sa kakatxt.

As in todo text. Nacurious tuloy ako.

Since sobrang laki nung font ng phone niya, madaling basahin ang sinusulat niya.

Pasimple akong sumilip sa tinatype niya.

Nagulat ako. Tinadaan kong mabuti yung tinext niya.

"Baka naman hindi ka niya tinetxt kasi hinihintay ka niya. May attraction ka naman sa kanya. Naamin mo naman na gusto mo siya. Kapag naramdamaman mo ang lubos at busilak na pagmamahal isang libong saya ang mararamdaman mo sa kanya. Go gurl. I'm so happy for you atcheng."


Oh diba? Havey na havey magtext si kuya.


Napangiti nalang ako bigla. Pigil sa pagtawa ng malakas.

Binalik ni kuya ang phone niya sa bag niya at naglabas ng barya.

"Mah-nong bahyahd poh", saaaaabeeeee ni kuya.

Dun ko lang napansin na ang sling bag niya eh purse pala.

Ok. Confirmed. Si kuya na may masels eh isa palang beki.

Haaay. Kaya nga ba naeenjoy kong sumakay ng jeep eh.

Kung ano ano nae-encounter ko.

Kayo? Anong happenings ang meron pag nasa jeep kayo?

4 comments:

soltero said...

ahaha..musta nman, mukhang di mo lang sinilip yung phone kasi memorized mo yung tinext ahaha bka hiniram mo kay kuya para basahin bwahahhaha...:P

Adam said...

Papa Solts kamusta naman diba? Kung ikaw makabasa ng ganun tignan natin kung di mo matandaan yung tinext niya hahaha

Francine Morete said...

nakakaloka naman yang encounter moh!!! hahaha!!! regarding sa pagbasa mo ng text message nya, masasabi kong di ka tsismoso... KEEN OBSERVER lang!!! hahaha!!! =)

Adam said...

Kerek!