Dahil medyo matagal tagal na kaming hindi nagbobonding nitong si Bongga dahil busi-busihan kaming dalawa, we decided to go out last Wednesday. Bakit Wednesday? Sweldo ahihihi.
Ayun since 4 ang out ko at 6 pa siya kasi may training class pa siya, nauna na ako sa SM. Originally dapat sa Trinoma kami pero naisipan ko na sa SM nalang since we rarely go there at mas madami kaming mapaglilibutan dun.
Ewan ko ba kung bakit 10 years bago dumating tong si Bongga dahil magse-seven na nung dumating siya eh isang kembot lang naman ang layo ng office namin mula sa SM North Edsa.
"Bakit ngayon ka lang?! Nang galing ka pa ba sa Makati?!", sabi ko pagdating niya.
"Ahahaha sorry dumaan pa ako Trinoma hehe", sabi ng lukaret.
"Since your here and it's dinner time, let's go look for something to eat"
Kasama niya yung isang trainer na si Ellaine nung dumating siya pero hindi kasi nakapagpaalam si Ellaine sa kanila so umalis din siya kaagad. Sayang, masaya ding kasama yun eh. Isa ring adik tulad namin ni Bongga. Hmmm... no wonder we're friends. hahaha.
So ayun, naglakad lakad kami at umabot kami sa Annex ng SM. Nakita naman ang Tokyo Tokyo at dahil medyo kagutuman na kami eh dun nalang kami kumain.
In fairness, the Tokyo Tokyo at SM Annex isn't half as bad. The place I mean. It looks really fancy compared to the other Tokyo Tokyo's I've been too. The staff is very friendly too at hindi sila natataranta. Yung iba kasi parang nagpapanic lagi eh.
I ordered a Sumo Beef bowl with fried chicken. Bongga ordered Prawn and Veggies. Nagulat kami ni Bongga nung iserve yung food ko. Dalawang box kasi.
Ang cute nung ginagamit nila. Nakakaganang kumain hihi.
Syempre over dinner todo todong kwentuhan kami ni Bongga. About life, love, and office gossip. Update update sa mga chismis na nasasagap namin. At as usual we make fun of some people. Kalait lait naman kasi sila no.
After naming kumain, nagikot ikot kami. Bumili siya ng kung ano anong abubut sa Fully Booked at tumambay kami sa Toy Kingdom ng The Block. Buti nalang pareho kaming may pagka autistic at naeenjoy namin ang Toy Kingdom sa mga edad naming to hehe.
Nung mga bandang 9, naisipan na naming umuwi.
Back in Tokyo Tokyo earlier, I told Bongga something. It's something that I've been meaning to tell her for a while now but since we rarely get to chat at the office, I haven't had the chance to tell her. Pagkasabi ko sa kanya nun, hindi na daw siya nagulat kasi deep inside she already knew.
Paguwi ko, I received a txt from her thanking me for the lakwatsa. She needed it daw.
Glad I could help. ^_^
1 comment:
had a few disappointing experiences with tokyo2 in the past, so i've been steering well cleared of it for years!but after reading this entry, i might give it another chance :) thanks.
Post a Comment