Monday, January 24, 2011

Parker's Birthday Party

Saturday.

Umaga palang naghahanda na ako para sa party kinagabihan. Friday palang eh namalengke na kami ni Parker. It was fun kasi first time naming mamalengke and hindi naman kasi namamalengke tong si Parker. Susyal lang no? hehe

Ayun, pagkagising ko ng sabado, nagluto lang ako ng breakfast and after naming kumain, inumpisahan ko na ang pagluluto.

Eto ang handa, Chiken Lillipop, Cheese sticks, Lumpiang Shanghai, Dynamite, Fruit Salad, Spaghetti, at Liempo. 

Grabe yung chicken lillipop. Mano-mano kong ginawa. Ang hirap ah! It took me about 2 hours to make them.

Habang busy ako sa paghahalo, pagmamarinade at kung ano ano pang shit, inumpisahan ni Parker ang cheese sticks. Bale siya ang nagbalot sa lahat ng cheese sticks, dynamite at lumpia. First time daw niya tong ginawa. Natuwa naman ako kasi magkasama kaming dalawa sa kusina at tinutulungan niya akong magluto.

Nung inumpisahan ko nang lutuin yung ibang mga food, naglinis na ng bahay si Parker. In fairness, ako lang nakakapag pagawa sa kanya ng mga yan. Love talaga niya ako. Ang landi lang eh no? Wahahaha

Pagdating ng mga 5PM dumating na ang mga bisita. Natuwa ako kasi may dala silang cake eh favorite ni Parker yung dala nila. Thank you guys.

Syempre mawawala ba naman ang mga officemates ko na friends na rin ni Parker?


Go Mariah! Sige ibirit mo pa! Through the faaaaaaaaaayyyrrrreeee!!! 

Eto naman si SexyAnne, nagpaka Paris Hilton because the Stars Are Blind. 

Ang food. Bow. 



May party ba namang hindi kumpleto kung walang videoke machine? 




Ayan ang mga bote ng beer. May ilan pang nakakalat sa bahay eh pero eto lang yung mga nahanap ko agad hehe.

Wag niyo nang i-attempt hanapin si Parker sa mga pics, hindi ako nagpost ng pics niya and I limited the number of pictures I posted here. ;P

The party was a blast, according to Parker it was perfect.

Kahit sobra sobra yung pagod ko that day eh it was all worth it when I saw how much fun Parker and everyone else was having. Mas naging pefect nung sinabi nila masaap daw yung food lalo na yung liempo, lumpia, and spaghetti but I wont take credit for the spaghetti kasi si Mariah nagluto nun.

Im glad everything turned out great. Sayang lang kasi hindi nakapunta yung ibang mga friends namin.

Ang isa sa funniest moment kagabi eh nung sumigaw si Mariah nang:

"Wala bang straight na lalakeng pupunta?!"

Nagtinginan kaming lahat sabay tawa ng malakas.

2 comments:

Anonymous said...

aah...good times!

kysthine said...

whhahahahaha! tama! naku ang popogi nila..sayang mga karibal sa boys eh! heheheh! no worries para sayo baks, lulutuin ko kahit hotdog! whahahhaha!