May I share how effectively useful Kool Fever has been to me over the past years.
Lately kasi I've been sick, thus the lack of blog posts. My fever has been on and off. Luckily andyan si Kool Fever na taga salba ng buhay ko.
But how did we start? Pano ba nabuo ang relasyon namin ni KF? Ganito kasi yun.
Flashback to July of 2007.
Na-confine ako sa hospital ng Notre Damme sa Baguio. Ang pinakamahal na hospital sa Baguio. I honestly don't know why they hold such pride when in fact I find their staff incompetent and service to be completely and utterly horrendous.
May pinanggagalingan ang galit?! Hindi maka-get over?!
Ganito kasi, nilalagnat ako so umakyat ng Baguio si Mama at dinala ako sa hospital. Eh malamig, wala akong jacket, natural magchi-chill ako ng bonggang bongga. Eto namang OA na doktor eh pinilit na i-confine ako. Eh di go. Confine.
Nung tatarakan na ako ng Dextrose, lumapit itong isang nurse na mukhang walang kamuang-muang sa mundo. Pagtusok sa akin ng pin, naramdaman ko ang sakit.
"Parang may mali", naisip ko bigla. Pero dahil nga nagdidiliryo na ata ako noon eh dedma nalang.
Matapos ang ilang segundo, nakita ko ulit yung nurse na ginagalaw galaw yung dextrose ko.
"Ay mali!", biglang sabi nung nurse.
Nanlaki ang mga mata ko. Yung init ng katawan ko eh lumipat sa ulo ko.
"Sir kelangan po natin ilipat.", sabi nung nurse.
"EH PANO KUNG MAGKAMALI KA ULIT?!", sigaw ko.
"Sir pwede na po kayong magalit pag nagkamali pa ako", sagot ba naman ng pota.
Ah so hindi ako pwedeng magalit dun sa una? Anu yun, pwede take two?! Eh kung ihataw ko kaya sa mukha niya yung bakal na pinagsasabitan nung dextrose saka ko sabihin na pwede na siyang magalit pag inulit ko yon.
Anyway yun nga, tinarakan ako ulit nung kasumpa sumpang nurse. Matapos nun hindi parin bumababa yung lagnat ko. Ilang gamot na ang ipinainom sa akin at pati paracetamol eh IV na ang pag-administer sa akin.
Mga bandang hating gabi, dumaan ang isang nurse, inferness mabait, para sa rounds niya. Eh sakto nagising ako nun at naghihina parin.
"Gusto mo lagyan kita ng Kool Fever?", tanong nung nurse in a very motherly tone.
"Sige ok lang", sagot ko. Eh kung ano ano naman na pinainoom at itinarak nila sa akin. One more won't hurt diba?
So ayun, tinapalan ako ng Kool Fever sa noo.
Flash forward 6 hours later.
Nagising ako. I felt refreshed. Revilatized at kung ano ano pang shit.
Naknampucha yun lang pala eh. Isang Kool Fever lang pala ang katapat nung lagnat ko eh.
I lahhhvettt!
Ang sarap tuloy hambalusin ng isang karton ng cool fever yung nurse na nagkamali ng tusok sa akin.
Flashforward ulit to January 2011.
Eto nga't nilalagnat nga ako. Matapos kong gumamit ng Kool Fever eh medyo bumuti na pakiramdam ko. Pati si Parker nung nagkasakit eh ginamitan ko ng Kool Fever. In fairness, effect naman.
Kaya ayan, ganyan kami nag umpisa ni Kool Fever.
And we lived happily ever after.