Thursday, June 20, 2013

Birthday 2013

So I'm finally 25 years old. Medyo tumatanders na. Like I do every year, I threw a party with my close friends and officemates.

Ayan, ang mga super bait kong friends na tumulong sa akin maghanda. Si Alvin, Mariah at Kate. Si Kate 2pm palang nasa bahay ko na at tinutulungan akong magluto and everything. Super thank you. Kahit loka loka ka most of the time, alam mong love kita, bruha.

 
Eto, kasama si Alex na nagtimpla nung ibang food at namilit sa akin na maligo na dahil nandyn na daw ang mga bisita.
 
Eto na. Ang fruits of our labor. Salamat sa aking napakabait na boyfriend na si Gregory dahil lumabas siya para lang bumili ng manok, kay Carl para sa cake and Mickey sa donuts. Uy in fairness, last year may nagdala din ng donuts and it's a funny coincidence, I met them the same way I met Mickey.

 

Sabi ni Alvin mahilig daw ako sa mga kaibigan na "malaman". Now I'm starting to think na he's right.

 

Kahit medyo late, dumating ang aking kumare na si Cora. Na-appreciate ko ang pagdating niya kasi buong araw siyang nasa isang event tapos dumeretso sa bahay ko after.

 
Pwede ba naman mawala ang foreigner ng buhay ko na si Derek? Nga pala, yung babaeng katabi niya eh gf niya. Pretty siya, crush siya nung mga bisita ko na straight haha.
 
Ayan si Mickey at Vince, aking mga kapatid sa Love Yourself.
 
Eto naman ang mga straight. Si Roger na sobrang daldal pag lasing, si Papi G. na nag-sponsor ng alak, so Karlo na aking seatmate at mahilig din sa gundam at si Jeremie na maraming alagang gagamba. Mga teammate ko yang mga yan.

 

Gregory asked me what I wanted for my birthday. Sabi ko Unicorn or Mermaid. Ayan, binigyan ako ng balloon na Nemo na hanggang ngayon nakasabit parin sa hagdan.

 
Ewan ko kung ano trip nila. Telenovela daw. Sakto, pwede silang cast ng Mundo Mo'y Akin. Si Perlita, Marilyn at Darlene. Pak!
 
Nagrequest si Mariah na sana may karaoke. Ayan, hiniram ko Magic Sing ni Derek. Which reminds me, kelangan ko na palang isauli yun.
 
Eto ang mga teammate ko. Finally, matapos ang ilang buwan, natuloy narin team building namin. Sibrang na-touch ako na nakapunta sila. Dalawa sa kanila taga Laguna, isang taga Cavite, isa naman ParaƱaque at isa taga Tayuman. Nilakbay nila ang ulan at bagyo para lang makarating sa bahay ko na nasa dulo ng QC.
 
Si Bongga eh nakahabol pero hindi rin siya nagtagal dahil wala pa syang tulog. After work, nag team building sila tapos dumeretso siya sa bahay ko so walang pahinga ang Bongga. By the way, this is my 4th Birthday party na present si Bongga at Mariah. Grabe ang tagal narin pala naming magkakaibigan ng mga loka loka na to.

 

Gregory bought me my favorite cake of all time. Ang Sansrival na ako din lang ang umubos. Isang slice lang ata nakain ni Gregory, ako umubos nung iba. Yehey!

I would like to thank everyone who made it. I know it's wasn't easy for some to get to my house kasi ang layo pa ng pinganggalingan nila. I genuinely appreciate the effort. I know and admit that I am not the nicest person in the world pero I am grateful that I have friends who love and care for me kahit ganito ugali ko. I'd like to think that the only reason my life is exciting is because I have friends who make it exciting for me.

Thank you so much to everyone who greeted me on Facebook both on my wall and those who sent me PM's, Twitter, Text, Skype and Email. Thank you din sa aking mga readers na hanggang ngayon nagbabasa parin ng aking blog kahit na 10 years ako bago mag-update. May I have many more years of mean-spirited jokes, sarcastic quips, sharp one-liners and okrayan galore with all of you.

Love,

Adam

 

3 comments:

Kane said...

Happy Birthday Adam. It looked liked you had a lot of fun =) And really sweet of your friends to help you out. Lovely photos =)

K

Adam said...

Yeah it was fun. Super effort sila hanapin bahay ko haha. Thanks for the greeting, Kane :)

Anonymous said...

Belated Happy Bday!


From the guy who saw u sa RITM Malate wearing the beer shirt... :P (john)