Friday, June 3, 2011

Piece of Advice


"Anong oras break mo?"

Yan ang message na nareceive ko bandang 9:30 ng umaga.

"Pwede akong mag break anytime ko gusto. Why?", tanong ko.

"Break ko mamayang 10. Pwede ba kita kausapin? May gusto akong sabihin sayo eh", sagot niya.

"Sige sure. Message mo ako pag break mo na para puntahan kita."

Pagdating ng alas-dyes, tumayo ako mula sa station ko at pumunta sa aking friend na nagmessage sa akin. Itago natin siya sa pangalang Cordelia.

"Anong meron teh?", tanong ko.

"Tara yosi tayo", sagot niya.

Medyo seryoso ang mukha ni Cordelia, hindi ako sanay. Kinabahan ako bigla.

"Ano ngang meron? Buntis ka ba?!", tanong ko pagdating namin sa smoking area.

"Kung buntis ako, ibig sabihin nun may sex life ako! Unfortunately wala ako nun at hindi yun ang sasabihin ko."

"Eh ano nga yun?"

Sumindi ako ng yosi. Sumindi din siya.

"Nagapply kasi ako ng promotion"

"O tapos?", tanong ko.

"Nagustuhan nila ako. Gustong gusto nila akong kunin."

"Eh bakit parang binagsakan ka ng langit at lupa?"

"Hindi nila ako pwedeng kunin kasi may problema ako sa attendance ko.", huminga ng malalim bigla si Cordelia, "Aminado naman ako na the past few months may problema talaga ako sa attendance pero lately naman inaayos ko na eh. Nakita din nila ang attendance ko last month, okay naman daw".

"Eh gusto ka naman pala nila eh, eh di ibig sabihin niyan gusto lang nila makita na you can maintain a good record."

"Nakaka dismaya lang kasi parang ganito yung nangyari nung nag apply ako sa ibang posisyon na ako daw ang pinaka okay na aplikante pero hindi naman ako ang nakuha."

"Eh syempre iba yun, iba din to. Saka kung sila mismo nagsabi na gusto ka nila, eh di bigyan mo ng time kasi kung para sayo yan makukuha mo din."

"Hindi ko alam baks.", sagot niya sabay hinga ng malalim.

"Tignan mo ako. Ilang beses akong nag-apply ng promotion. Ilang beses din ako nareject. Ayoko mang aminin pero nasaktan ako nang hindi ako ang piliin nila dahil sa nagka problema din ako sa attendance noon. I worked hard at alam ko deserve ko dapat yun pero hinayaan ko nalang."

"Kaya nga sayo ako lumapit eh. Kasi alam ko, sa lahat ng tao dito ikaw yung makakaintindi at makakapagpayo sa akin kasi napagdaanan mo na to noon."

"Puta ka, yun pala yung dahilan mo."

Totoo yun dear readers. When I was still an agent, I tried several times to apply for a promotion but I always got rejected. It even came to a point na hindi na ako kinonsider para sa initial interview. For a brief period in my professional life many months ago, napagdaanan ko din yung phase na tinamad na akong magwork. I got bored. I got tired of the repetitive tasks. I incurred a lot of late's and absences. Trust me, sa dami ng mga memo ko, pwede na akong bumuo ng scrapbook.

But with the help of my friends and our leadership team who still kept their faith in me, I managed to pull myself back on top. I was no longer late and not once did I miss work ever again.

Kaya I see the point kung bakit ako ang tinakbuhan ng lukaret na si Cordelia.

Makakarelate nga naman kasi ako in a way.

"Kung hindi ka nila pwedeng kunin ngayon, eh di okay lang. Patunayan mo sa kanila na deserving ka sa posisyon na yun. Saka kung hindi man para sayo, huwag mo nang ipilit kasi malay mo, may ibang mas magandang darating. Living proof ako teh. Tignan mo ako, sa dami ng beses na nareject ako, tinaggap ko lang ng tinaggap kasi inisip ko nalang na hindi para sa akin yun. Nung dumating na yung para sa akin, it was more than what I wished for. Hindi ko man nakuha noon yung mga posisyon na gusto ko, ang naging kapalit naman eh yung trabaho na alam kong mamahalin ko at pahahalagahan kasi dito ko naapply yung alam ko. Ito yung hilig ko eh. Kaya ganun ka din dapat. Hindi mo man makuha yan ngayon, ibig sabihin its not for you. Ibigay mo na sa iba kasi pag dumating yung talagang para sayo, trust me, dun ka magigigng masaya."

Yan nalang ang naging payo ko sa kanya.

Ngumiti si Cordelia at yumakap sa akin.

"Salamat baks", bulong niya.

Napangiti nalang ako.

No comments: